Chapter 65 Bible Reynold's Una kong pinuntahan ay ang office at room ng lolo ni Keith. Nasa pinakadulo ito ng pasilyo at walang mga dumadaan na tao. Madali lang nakapasok doon dahil isa sa mga tauhan ni Keith ay nagagawang buksan kahit ano pa klase ng lock. Noong mabuksan ni Jathro ang pinto ay agad ako nagpasalamat dito. "Hintayin ka lang namin dito sa labas lady Bible." Tumango lang ako at ngumiti. Pumasok ako sa loob. Hindi ako makapaniwala na inabandona na ito agad ng pamilya ni Keith. Halatang may naunang pumasok dito at may mga hinahanap pero hindi mga nag-abalang ayusin. Humakbang ako papasok at hindi na ininda ang nakakasulasok na amoy ng alikabok sa paligid. Gusto ko 'man linisin muna ang lugar ay hindi pwede dahil sigurado may mahahalata ang pamilya ni Keith. Una