Chapter 67 Kinabukasan pagkatapos ng klase ni Bible agad siya dumiretso sa hospital room ni Keith. May dalang fruits ang babae at soup na binili niya din sa labas. Kasunod ng babae si Jonas at Leah. Sumakay sila sa elevator. Pagdating nila ng 8th floor may ilan pa na sumakay. Bahagya hinarang ni Jonas ang katawan sa unahan ng dalawang babae dahil sa guy na dinidiitan si Leah. Nakikita ni Jonas sa reflection ang ginagawang expression ng matandang lalaki. Napalingon ang matandang lalaki. Diretso siya tiningnan ni Jonas at agad na natakot ang matanda dahil sa sama ng tingin ni Jonas. Nakaharap si Bible sa salamin at kasalukuyang inaayos ang buhok nang mapansin niya ang isang batang lalaki sa reflection. Nakatingin ito sa kaniya. Ngumiti si Bible at humarap sa batang lalaki na kasaluk