Chapter 17 WALANG nagawa si Bible kung hindi panoorin lamang ang mga batang kumakain kasama ang ilang adult. "Bible! Pumunta ka dito sa kusina! Ilabas mo itong mga basura!" Napatalon si Bible after marinig ang boses ng kusinera. Agad na tumakbo ang bata patungo sa kusina at nakita nga niya ang halos tatlong balot ng basura na halos kasing laki na lang din niya. "Mis Mich, hindi— hindi ko po kaya buhatin 'yan." Lahat ng tao na nasa kusina masama na ang tingin sa kaniya. Parang kapag hindi siya susunod ay sasaktan na naman sila nito and worst isang buong araw na naman siya hindi makakain. Nanginginig ngayon ang mga braso ni Bible na hinihila ang basura palabas ng orphanage. Sa kabila ng paghihirap niya wala sa mga adult or mga tao doon ang nais siya tulungan. Hanggang sa 'nong mal