Chapter 12 "Keith!" Pagkabukas ng pinto ng sasakyan at pagkababa ni Keith ay sakto na pagbukas ng pinto ng mansion. Sinasalubong siya ng batang si Bible. Nakagawian na iyon ng batang babae. Once na marinig niya ang pagbukas ng gate at pagpasok ng sasakyan ay tumatakbo na palabas ang batang babae para salubungin ang lalaki. Itinaas nito ang hawak na fairytale book. "Keith! Look! Natapos ko na basahin iyong isang book!" Pinakita ng batang babae ang hawak na libro. Bahagya niluwagan ng lalaki ang suot na necktie at naglakad palapit kay Bible. Bahagya napangiti si Sandro sa idea na iyon ang exactly na scenario na nais makita ni Keith tuwing uuwi ito. Naalala niya na before dumating si Bible sa mansion inaabot sila ng madaling araw sa opisina hindi dahil sa maraming trabaho kung hind