Chapter 70 HINDI lumabas si Bryan Reynold sa vacation house after ng 1st encounter ng anak niya lumipas ang ilang taon. Sa mga araw na iyon napansin niya ang palihim na panonood ng mga tauhan niya sa kaniya na siyang pinagkatiwala ng kaibigan niya sa kaniya. Isinandal ng lalaki ang katawan sa sofa at binuksan ang tv. Pinako ni Bryan ang mga mata sa tv habang paisa-isa ino-organize at ina-absorb sa isip niya ang mga posibilidad at nalaman niya kay Keith Pittman. Kung hindi niya pinakinggan si Keith Pittman at hindi nito aksidente nabanggit ang pangalan ng anak ay napatay niya na ang lalaki. Napatay din ni Bryan ang pinakamamahal niya na anak. Sa ilang taon na under siya ng mga Alejandro at under ng recovery kahit isang beses hindi nabanggit ng kaibigan niya ang about sa anak niya.