Chapter 81 Pagkagising ni Keith 'nong umaga hindi niya mahanap ang asawa. Naiirita ito bumulong-bulong na kapag nainis siya ipapagiba niya buong mansion. Masyado kasi iyon malaki at kapag nawawala asawa niya kahit alam niya na nasa loob ng mansion ito hindi niya agad ito mahanap. "Boss, ang aga-aga nakabusangot ka. Pinalabas ka na naman ba kagabi ni madam sa room niyo?" biro ni Raphael na nasa living room at may hawak na newspaper. "Mukha ba palagi ako na papalabas?" nakataas ang kilay na tanong ni Keith at dumiretso sa kusina. Nandoon si Leah at Jonas na nagkakape. "Apat na beses ngayong buwan boss," ani ni Jonas na natatawa. Sinabi nito na hindi palagi ngunit palagi pa din ito nasisipa ng madam nila palabas ng room. Napa-pokerface si Keith at sinabihan si Jonas na manahimik. "