Chapter 63 "Hindi niyo ba nakikita na hindi maganda lagay ng alaga ko!" sigaw ni Leah sa mga pulis. Kasalukuyang nakahiga si Bible sa kama at walang malay. "Madam, ginagawa lang namin ang trabaho namin." Hinihintay kasi ng mga pulis na magising din si Bible para tanungin ito. Bigla kasi nawala si Keith Pittman 'nong bigla nagkaroon ng black out at iyong dalawa lang ang magkasama. Natagpuan din ito walang malay at sa silid 'na 'yon maraming katawan ang nagkalat. Hindi alam ng mga pulis kung sino ang attacker. May lalaki na nakasandal sa pader sa gilid ng headboard ng kama. "Katulad ng sinabi ko wala kayo makukuha na sagot kay lady Bible dahil ako may gawa ng lahat ng 'yon kasi ako ang bantay nila ng gabi na 'yon," bored na sagot ng lalaki. Sinabi din nito na wala siyang ibang gina