"Walang hiya kang babae ka?! Pumunta ako kaninang umaga sa apartment niyo ni Julian, letse ka! Alam mo ba kung sinong bumungad sa akin?!" sigaw ni Hailey sa kabilang linya.
"Geez, Hailey! Bakit kailangan mong manigaw tuwing tatawag ka?" may inis na tanong ni April pagkatapos ay napabuntong-hininga.
"Eh, paano?! Hindi ka man lang sa akin tumawag, bruha. Kanina ka pa palang wala sa apartment niyo, bakit hindi ka nagsabi? Bakit ka tumawag?" tanong ni Hailey sa kabilang linya na ikinabuntong-hininga naman ni April.
"Hailey, you know how I don't want to disturb you with what you are doing. Isa ka nang Ina. May anak ka na at may asawa kang kailangan asikasuhin. I don't want to trouble you with my problems, Hailey," mahinahong sagot ni April ngunit kilala niya si Hailey.
One thing on why she's trying to hide everything from Hailey is because she knows Hailey will do anything to help her with whatever she's stressing about. Kung may hindi sila pagkakaintindihan ni Julian, kinabukasan ay magugulat na lang siyang maagang kumakatok si Hailey. For the whole day, sinasamahan siya nito sa apartment habang dala ang panganay na anak.
Hailey said that she could either call it their girl's time or April's me time dahil gusto siya nitong ma-relax kahit papaano pero alam niya kung ano talaga ang pakay ni Hailey. Gusto lang siya nitong i-comfort kahit na maliit na bagay lang ang dahilan ng hindi nila pahgkakaintindihan ni Julian at to be honest, masaya naman si April na napaka-thoughtful ni Hailey ngunit ayaw niya na sa tuwing may problema sila ni Julian ay laging pupunta si Hailey para pasayahin siya.
Marami nang pinagdaanan si Hailey na dahilan kung bakit ayaw niyang madamay pa si Hailey sa mga problema niya. Mula sa asawa nitong pareho silang niloko hanggang sa makilala ni Hailey ang asawa nitong si Gerald. Finally, her best friend found a man who will accept her best friend as a single mother. Masaya siya para kay Hailey at habang kasal nito kasama si Gerald, ipinangako niya sa sarili na hindi niya guguluhin si Hailey. Pamilyadong tao na ang best friend niya at ayaw niya ito na kahit sa problema niya kasama si Julian ay madamay ito.
April also knows how Julian hated Hailey for being nosy whenever Hailey knows their quarrels. Naging open si Julian sa kaniya kung gaano ito naiinis tuwing nagagalit si Hailey kay Julian. Julian even called Hailey a nagger kung kaya't as much as possible ay sinisiguro na niyang hindi bigla-biglang pupunta si Hailey sa apartment nila. Pinipigilan niya rin na ipaalam kay Hailey ang sama ng loob niya kahit na sobrang nalulungkot siya tuwing nagkakasagutan sila ni Julian about sa mismong magulang ni Julian.
April thought Julian only hated her best friend because Julian doesn't want Hailey to know every detail about them. She thought that Julian also wants privacy for their relationship. But after knowing everything, it's crystal clear that Julian isn't respecting her and Hailey. Hindi nirerespeto ni Julian ang oras niya kasama si Hailey when Julian can do anything at hindi magagalit si April dahil naiintindihan niya na dapat ay magkaroon rin ng oras si Julian sa ibang bagay. Their living together but being with each other in one place does validate their rights to have fun and be selfless.
"Iyon na nga ang problema, April!" Halata sa tono ni Hailey ang pagka-frustrate nito para sa kaniya. "I already told you that no matter what happens between you and Julian, you let me know. Kahapon lang kita kinausap about sa s*x scandal maaari ni Julian pagkatapos ngayon hiwalay na kayo. Alam mo bang buwisit na buwisit ako kanina ng pagbuksan ako ng ibang babae sa apartment niyo? Tch!"
Sa sinabing iyon ni Hailey, agad na naman naramdaman ni April ang pagsikip ng dibdib niya. So they are still together after I left? After Julian frankly admitted that he only cares about his reputation in front of Macy, April thought that Macy would also go heartbroken. April is not sure if Macy is either stupid or Julian just worked his charm on Macy.
"Ma-macy is still in the apartment?" Nauutal na sabi ni April habang nararamdaman ang pag-init ng kaniyang mata.
"Yes! The b***h is! Naku, kung nando'n ka lang. Talagang susugurin ko iyon! Homewrecker! Artista pa naman pero ang landi-landi," Hailey said, and April can imagine Hailey's nose getting fiery, but the pain she's been feeling earlier visited her system again.
Hindi niya naitago kay Hailey ang kaniyang paghikbi kung kaya't sunod-sunod na itong napamura mula sa kabilang linya. April covers her mouth to keep herself from sobbing loudly, but she knows that Hailey knows she's already in pain.
"Damn it, April! Where are you now? Kakausapin ko si Gerald para sunduin ka," mahinahon na nitong sabi pero umiling-iling lang si April kahit hindi siya nakikita ni Hailey.
"No... no," April said as she wiped her cheeks with her palm. "Don't bother getting Gerald. I can just call someone to get this car's juice," sabi ni April kapagkuwan ay suminghot habang nakatingin sa kapaligiran kung nasaan siya.
Hindi siya pamilya sa lugar but she must be somewhere northwest of the city. Lalo na't ang kaharap niya ngayon ay ang dagat. Minsan na rin kasing may nakuwento sa kaniya si Hailey na may tahimik na beach sa hilagang-kanluran ng kanilang city.
Wala rin siyang masyadong nakasalubong na mga tao kanina dahil na rin sa mukhang tago ang lugar na sinasabi ni Hailey. Napahinga ng malalim si April habang nakatingin sa harap ng kotse kung nasaan ang dagat.
Nagmaneho lang siya ng walang katapusan ngunit hindi siya nadismaya kahit na napakadelikado ng ginawa niya dahil nakatagpo naman siya ng lugar na sa tingin niya ay matatawag na niyang safe haven. April sigh as she holds her phone near her ear.
"No. Let me do it, April. Just open your GPS so I can send someone to bring you what you need," Hailey said, but April slightly shook her head.
Fine. April said before talking. "I'm somewhere near northwest of the city. The one you told me about the isolated beach," walang gana na sabi ni April.
"Uh, okay. But still, open your GPS. And please, habang naghahantay ka, text me time to time, okay? Jusko Lord, April! You're the only one in there. Late ko na nalaman na ang buong beach na iyan ay private property. What if something bad happens to you for trespassing, ha?" may pag-aalalang tanong ni Hailey ngunit walang nararamdamang takot si April.
Binuksan niya ang pinto ng kotse sa kaniyang gilid kapagkuwan ay lumabas. Naglakad siya palapit sa hood ng kotse kapagkuwan ay madaling nakaupo doon habang ang mata niya ay nanatili sa malawak na dagat na nasa harap niya.
She's actually feeling relax now that she has someone to talk to. Kahit nasasaktan pa rin siya sa mga pangyayaring naganap, she's happy to know how manwhore Julian is. Nasasaktan man siya ngunit desidido siyang mag-move on dahil kagaya noon, lagi rin naman siyang nakakapag-move on. And she understands that she needs to let go. Wala rin naman nang mangyayari kung magkaayos sila ni Julian. Alam niyang hindi na siya magiging kagaya ng dati noong hindi pa niya alam ang pangloloko ni Julian. Their relationship will never be the same.
"I will be fine, Hailey. I will be alright," sabi ni April para kumbinsihin ang kaniyang kaibigan at huminahon ito.
"No! You're not fine!" Biglang sabi ni Hailey na may himig ng pagtatampo. "I've been noticing you, April. I have noticed how stupid you are just because of that manwhore Julian!"
Natahimik si April sa mga sinabing iyon ni Hailey. She actually doesn't know what to say since her mind has been thinking non-stop about every problem she has face. Hindi lang katawan niya ang pagod dahil maging ang kaniyang puso at isipan ay apektado.
"I..." Napabuntong-hininga si April. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. May katwiran naman si Hailey at may karapatan itong magalit dahil kaibigan niya ito.
Dahil kay Julian kaya nahihirapan siya kausapin si Hailey. Simula nang sabihin sa kaniya ni Julian na huwag ipaalam kay Hailey ang nagiging problema nila, nahihirapan siyang kausapin si Hailey. Mapa-pamilya man ni Julian hanggang sa mga schedule nitong gusto niya sana ay kasama siya. Hindi inaakala ni April na mapapansin ni Hailey ang kagagawan ni Julian sa kaniya.
"April, don't you ever do that to me again! Kahit sino pa ang makasama mo sa buhay, ang tamang tao ay hindi ka pagbabawalan kung saan ka masaya. Julian supposed to support you with our friendship, kahit na may pamilya ako, I care for you, b***h!" sabi ni Hailey kapagkuwan ay narinig niya itong suminghot sa kabilang linya, bagay na ikinangiti kahit papaano.
Even if I lost Julian, I guess I'm still blessed just because of Hailey. Kahit na nagkakilala sila sa hindi normal na pangyayari, Hailey is indeed the kindest person she has ever met.
"I'm sorry, Hailey," April blows a loud breath as she looks up to the sky. "I'm sorry for being stupid."
"No! Stupid ka talagang gaga ka. Akala mo hindi ko pansin. Kahapon nga lang ay binabaan mo ako ng tawag. Sinong matutuwa sa gano'n? I understand that we're both in a relationship. The reason we rarely talk to each other pero April, your relationship must not ruin our friendship. Just how I care to you and value this friendship," sabi ni Hailey na tila sampal sa kaniya dahil na-realize niya rin kung gaano siya naging tanga.
Nararamdaman na naman ni April na maluluha siya dahil sa sinabi ni Hailey ngunit agad rin siyang pumikit para mapigilan ang kaniyang sarili na lumuha.
"I'm really sorry, Hailey. I really do," April said with utmost sincerity in her voice.
Nasasaktan na naman siya. It pains her for hurting a good friend. Wala rin naman kasi siyang kaide-ideya na gago pala si Julian. Akala niya ay matino ito kahit na minsan ay may hindi sila pagkakaunawaan sa isang taon ng pagsasama nila. Sa tuwing hindi rin kasi sila magkaintindihan ni Julian ay nauuna itong kumilos para makipagbati sa kaniya ngunit kahit kailan ay hindi naisip ni April na malandi si Julian. Kahit kailan ay hindi niya nakitaan ng senyales si Julian bagkus ang naging impresyon niya kay Julian ay mahinhin itong lalake at sweet kahit pa may pagkakataon na nilalandi siya nito.
"Heh! Mamaya ko tatanggapin iyang sorry mo kapag nandito ka na sa bahay! For now, gusto kong magpahinga ka muna diyan. You're the most person who needs relaxation right now, but you must remember what I said earlier. Please text me from time to time. Okay?!" may pasigaw na sabi ni Hailey na ikinangiti na lang ni April bago sumagot.
"Okay."