18

2015 Words
What April immediately saw is Lukas' face. So close to the point that she can feel Lukas' warm breathing in her cheeks. Maging ang katawan nito ay may kakaibang init na para bang isa iyong kumot para maramdaman niya ang sapat na init ng katawan nito sa kaniyang basang katawan.  April is totally stunned. Akala niya ay mamatay na siya. Ang akala niya ay sadyang malas talaga siya kung kaya't ang plano na lang ng Diyos sa kaniya ay ang wakasan ang buhay niya habang nasa punto rin siya ng buhay niya kung saan pagod na pagod na siyang masaktan.  Alam niya na maling mag-alinlangan siya sa kung ano ang plano ng Diyos sa kaniya ngunit sa dami rin kasi ng sakit at paghihirap na naranasan niya, hindi niya alam kung bakit parang hindi siya matapos-tapos sa salitang sakit. Pagod na siyang masaktan dahil sa pag-ibig. Pagod na siyang masaktan dahil sa panunuya ng mga tao sa kaniya dahil lang sa hindi siya maganda. Paulit-ulit na lang siya nasasaktan at lahat na lang, nagsasanhi dahil lang sa ayaw niyang magbago, na nagpapakatotoo lang siya.  May pasabi-sabi pa ang ilang mga tao ng just be yourself pero kapag nagpapakatotoo na siya sa sarili niya, nakakatanggap pa rin siya ng panunuya kung kaya naman kung ano ang mga salitang narinig niya sa loob ng restaurant kanina, gusto man magbingi-bingihan ay hindi niya iyon magagawa. Nakatatak na sa kaniyang isipan kung ano man ang nangyari sa loob ng restaurant ilang minuto na ang nakalipas.  At ngayon, hindi alam ni April kung ano ang dapat niyang gawin. May sinabi si Lukas tungkol sa pagkakangiti niya noong inakala niyang mamatay na siya at may katotohanan naman na ang sinabi nito. She's smiling because she accepts whatever God is planning for her. Mamatay siyang kakatapos lang makipaghiwalay sa taong minahal ngunit niloko siya pero senyales lang din iyon na tapos na ang paghihirap niya. Na hindi na niya kailangan pang tiisin ang sakit na ibinigay sa kaniya ni Julian.  Ngunit malaking pagkakamali ang pag-aakala niyang nasa plano ng panginoon ang wakasan ang buhay niya. Alam niya na maling isipin na gusto ng panginoon ang mawala siya sa mundo ngunit down na down na rin kasi siya.  Hindi niya alam kung ilang beses pa ba niyang kailangan masaktan para magkaroon siya ng matino at masayang relasyon. Hindi niya alam kung ilang beses niya pa kailangang umiyak para wala nang taong huhusga sa kung ano ang itsura niya. Hindi niya alam kung lahat ba ay plano ng Diyos para patatagin siya o para ma-realize niya na isa siya sa mga tinatawag na hopeless case kasi naghahangad pa rin siya.  Naghahangad pa rin siya na magkaroon ng matinong mapapangasawa. Naghahangad pa rin niya na sa pagtanda niya ay may pamilya siya at hindi siyang tatandang dalaga kagaya ng mga pang-asar sa kaniya ng mga nakakatanda sa kaniyang pamilya. Hinding-hindi niya makakalimutan iyong mga panahon na sa sarili niya pang kamag-anak manggagaling ang mga salitang nakapagpababa ng kompiyansa niya sa sarili.  Manang. Nerd. Tanga-tanga. Mahina.  Tumatak ang mga salitang iyon sa pagkatao niya kung kaya't simula nang nasa elementarya pa lamang siya ay mababa na ang self-confidence niya. Matalino siya at nakakasali siya sa mga top ranking ng klase at ng overall ranking bawat grade sa kaniyang dating eskuwelahan pero kung mayro'n siyang talino, kaibigan naman ang wala siya.  Natatandaan niya pa noon na minsan na siyang nagkaroon ng mga kaibigan ngunit ang hindi niya inaakala ay ginagamit lamang siya ng mga tinatawag niyang kaibigan para magkaroon ang mga ito ng magaganda ng grado sa klase. Wala naman iyong kaso sa kaniya noong una dahil gustong-gusto niya rin naman ang makatulong pero noong malaman niya na tinatraydor pala siya ng mga tinatawag niyang kaibigan, doon na siya naging mahigpit sa mga taong pinapapasok niya sa kaniyang buhay.  Matinding takot lang ang lagi niyang naaalala tuwing may pinapapasok siya sa buhay niya kung kaya't lumaki rin siya na takot makisalamuha. Nanatili siyang matalino sa klase ngunit miminsan lang siyang makisama sa klase. Wala rin naman nagpumilit na maging kaibigan niya dahil sa pangit siya kagaya ng sinabi sa kaniya ng mga kaibigan niyang tinraydor siya at sumira ng tiwala niya.  Lahat ng nangyari sa kaniya simula pa lang nang nasa elementarya siya, tumatak iyon sa kaniyang isipan hanggang sa nag-decide siya na humiwalay sa kaniyang mga magulang.  "Are you just going to stare at me?" biglang tanong ni Lukas na ikinakurap-kurap naman ni April habang nararamdaman pa rin ang mainit nitong katawan na nakadikit sa kaniya. "You know what, I will just give you a picture," sabi ni Lukas bago ngumisi sa kaniya na kaniya namang ikinataas ng kilay.  "A-ano..." "I will just give you a picture of mine so you can stare at it longer," muling sabi ni Lukas na ikinalaki naman ng mata ni April bago siya tuluyang natauhan.  I thought I'm dead. Sabi ni April sa kaniyang isip bago dahan-dahang lumingon sa direksyon kung nasaan nakita niya ang motor na ngayon ay nakatumba sa isang parte ng kalsada na wala ang driver nito.  Nanlaki ang mata ni April nang lumingon siya sa kabilang direksyon at nakita niya ang nakahandusay na katawan ng driver. Sa tingin niya ay hindi niya napansin ang pagkalaglag nito mula sa motor nito dahil ang buong atensiyon niya ay nasa motor na papalapit sa kaniya. Nalaglag ang driver ng sinubukan nitong itagilid ang motor para maiwasan siya.  "Naku, dalian niyo! Tumawag na kayo ng ambulansiya!" "Ano na kayang nangyari sa driver ng motor na iyon?" "Don't worry. The driver is fine," biglang sabi ni Lukas na kaniya namang ikinayuko. Dahil sa kaniya ay may taong nasaktan. Hindi niya alam kung ano na ang dapat niyang maramdaman sa mga oras na iyon lalo na't dahil sa kaniya ay may nasaktang tao. Napabuntong-hininga na lang si April bago siya nahihiyang bumangon mula sa pagkakayakap ni Lukas sa kaniyang katawan.  "Opps, careful now," sabi ni Lukas habang inaalalayan siyang tumayo kung kaya naman mabilis pa sa alas kuwatro na gumalaw siya lalo na nang maramdaman niya ang paghawak ni Lukas sa kaniyang baywang.  Nang makatayo siya ng mabuti, nakita niyang napakamot na lang ng ulo si Lukas habang nakatingin sa kaniya kung kaya naman napaiwas na lang siya ng tingin. Muli na naman siyang nahihiya pagkatapos niyang magmulat ng mata ilang segundo lang ang nakalipas. Mabilis na natigilan si April nang maalala kung nasaan nakapuwesto si Lukas noong mga segundo na malapit na siyang mabangga ng motor. Dahan-dahang napatingin si April kay Lukas na ngayon ay tinitignan ang basa nitong damit gawa ng pagkakayakap nito sa kaniyang katawan.  Paano niya ako nailigtas? Ang imposible! Sa pagkakaalala ni April, nasa kaliwang bahagi ng kotse malapit na nakatayo si Lukas nang huli niya itong makita at tumalikod kung saan nakaharap ang pinto ng driver's seat sa sidewalk. Kung titignan ang layo ng tatakbuhin ni Lukas para masagip siya mula sa pagkakabangga, kakapusin ito ng oras dahil mas mabilis ang paglapit sa kaniya ng motor kahit na ito ay nakatumba na dahil sa gumagalaw pa rin ito gawa ng madulas na aspaltong kalsada. Kung kaya naman, hindi mapigilan ni April na magtaka ng sobra. Napaka-imposible. Napaka-imposible na mabilis siya nitong naligtas. Bukod doon, na-realize niya na nasa kabilang sidewalk na sila ng kalsada na may ilang metro mula sa sidewalk kung saan naka-parking ang kotse ni Julian.  Napaka-imposible talaga dahil kung iisipin. Napatingin si April sa layo nila mula sa gitna ng kalsada at sa kabilang sidewalk. Imposible na mabilis siyang nailigtas ni Lukas mula sa huling lugar kung saan niya itong huling nakita bago siya tumalikod kanina.  Mas mabilis ang paglapit ng motor sa kaniya kung kaya't malaking palaisipan para kay April kung ano ang nangyari dahil kung maabutan man siya ni Lukas bago siya masalpok ng motor, kasama niya itong madidisgrasya at nasa gitna lamang sila ng kalsada nakaposisyon. Hindi siya magmumulat ng mata at makikitang nasa kabilang sidewalk na sila dalawa ni Lukas.  "So..." rinig ni April na sabi ni Lukas kung kaya naman muli siyang nag-angat ng tingin dito.  Seryosong tinitigan ni April si Lukas habang dahan-dahang bumaba ang kaniyang mata sa katawan nito. Wala itong galos o kahit anong punit sa damit nito na senyales lamang na mas nauna pa siyang nasagip ni Lukas bago siya tuluyang mabangga ng motor at madisgrasya.  "What are you staring at?" nakangising tanong ni Lukas na kaniya namang ikinabuntong-hininga.  Madumi siguro ang iniisip nito. Tanging nasabi ni April sa kaniyang isip bago umiling. "Can I ask something?" seryosong sabi ni April kay Lukas na ngayon ay nakangiti ng malawak sa kaniya.  Bakit nakangiti 'to ngayon? Parang kanina lang ay tinulak siya nito palayo sa katawan nito. Alam niyang nahihiya si Lukas na makita ito kasama siya kung kaya't hindi niya maintindihan kung bakit parang kakaiba ang pinapakita sa kaniya ngayon ni Lukas.  "Are you going to ask why I'm so handsome?" sabi nito na ikinaikot niya ng mata. Ang lakas naman nitong magbuhat ng sariling bangko. Aminado naman si April. Nagaguwapuhan siya dito pero kagaya ng napagdesisyon niya para sa kaniyang sarili. Hindi na muna niya hahayaan ang kaniyang sarili na maging kerengkeng. Kahit na nagaguwapuhan siya kay Lukas, ayaw niyang maapektuhan ang sarili niya. Ayaw niyang magmukha siyang tanga habang nakikipag-usap siya kay Lukas.  "Unfortunately, no. I don't care if you are handsome or Channing Tatum," may halong biro na sabi ni April na agad namang ikinakunot ng noo ni Lukas.  "What?" sabi ni Lukas ngunit hindi na iyon pinansin pa ni April bagkus agad na siyang nagtanong.  "How did you save me?"  Saglit na nawala ang ngiti na nakaguhit sa labi ni Lukas bago iyong bumalik na ikinataas ng kilay ni April. What's with that? Tanging  tanong ni April sa kaniyang sarili.  "Of course, I... Uh... " Nakataas lamang ang kilay ni April habang tinitignan si Lukas na nagkakamot ngayon sa gilid ng noo nito.  "What?" tanong ni April habang ang mata niya ay hindi umaalis kay Lukas.  "I mean tumakbo ako," sagot ni Lukas na agad namang ikinatawa ni April ng mapakla kapagkuwan ay umiling-iling.  Hindi naniniwala si April sa sinabing iyon ni Lukas. Napaka-imposible na nasagip siya nito dahil huli siyang nakatayo sa gitna ng kalsada to the point na kakailanganin pang lumiko ni Lukas sa sa oras na malampasan nito ang hood ng kotse para lang masagip siya mula sa motor na sasalpok sa kaniya.  In short, kung tinakbo ni Lukas ang pagitan kung saan nakatayo siya malapit sa kotse at sa gitna ng kalsada kung saan dapat siya tatamaan ng motor, kakapusin ng oras si Lukas. Maaaring nadisgrasya na siya dahil sa pagkakaalala ni April, mas mabilis ang paggasgas ng motor papunta sa kaniya bago siya pumikit.  "You are a liar," sabi ni April habang si Lukas naman ay agad na sumeryoso dahil sa sinabi niya.  "I totally swear to God," sabi ni Lukas na ikinataas ng kilay ni April. "I'm not lying." Napabuntong-hininga na lang si April sa sinabing iyon ni Lukas. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan na itago sa kaniya ni Lukas ang nangyari.  "I maybe easy to fool but I'm not stupid," seryosong sagot ni April. "I do not know why you are lying to me, Mister. I know a lying bastard when I see one," sagot ni April habang nanlalaki ang kaniyang mata na nakatingin kay Lukas.  Ilang segundo silang dalawa nagkatitigan nang bigla na lamang tumawa si Lukas habang umiiling na nakatingin sa kaniya.  "Wait, wait..." sabi ni Lukas habang pinapahinahon ang sarili sa pagtawa. " Damn. Why are you even angry? Niligtas na nga kita, hindi ba? Hindi pa ba sapat iyon para naman magpasalamat ka sa akin?"  Dahil sa sinabing iyon ni Lukas, medyo nakaramdam ng hiya si April. Alam naman niyang mali ang ginagawa niyang pagsasalita ng masama kay Lukas ngunit hindi niya rin kasi mapigilang mag-isip. Parang may tinatago sa kaniya si Lukas at gusto niya iyong malaman kahit pa na ang dapat niyang ginawa ay ang magpasalamat dito.  "Hindi ko naman hiniling na iligtas mo ako," sabi ni April na agad na ikinawala ng ngiti ni Lukas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD