What April immediately saw is Lukas' face. So close to the point that she can feel Lukas' warm breathing in her cheeks. Maging ang katawan nito ay may kakaibang init na para bang isa iyong kumot para maramdaman niya ang sapat na init ng katawan nito sa kaniyang basang katawan. April is totally stunned. Akala niya ay mamatay na siya. Ang akala niya ay sadyang malas talaga siya kung kaya't ang plano na lang ng Diyos sa kaniya ay ang wakasan ang buhay niya habang nasa punto rin siya ng buhay niya kung saan pagod na pagod na siyang masaktan. Alam niya na maling mag-alinlangan siya sa kung ano ang plano ng Diyos sa kaniya ngunit sa dami rin kasi ng sakit at paghihirap na naranasan niya, hindi niya alam kung bakit parang hindi siya matapos-tapos sa salitang sakit. Pagod na siyang masaktan da