Napakurap-kurap na lamang si April habang dahan-dahan niyang ibinabangon ang kaniyang sarili mula sa pagkakasandal. May ilan siyang naririnig na pagkilos sa kaniyang paligid bago niya tuluyang nakita si Hailey na ngayon ay nakatingin sa kaniya habang naluluha. "Ang bestfriend ko!" parang nagtatangis na sabi ni Hailey bago siya nito nilapitan at niyakap ng mahigpit na kaniya namang ikinatawa ng mahina. "Ano ba naman iyan, Hailey?" natatawa niyang sabi habang nakaupo pa rin sa front passenger seat gawa ng yakap siya ni Hailey. "Para ka namang namatayan, eh," pagbibiro niya kay Hailey. Medyo bumitaw si Hailey sa pagkakayakap sa kaniya bago siya nito tinignan na ngayon ay nakanguso. "Eh, tignan mo naman kasi ang sarili mo, oh," sabi ni Hailey na kaniya namang ikinatigil. "Mukha ka nang