For once, she wants to be the woman who can hurt a man. Kaya naman nang makuntento na si April sa kaniyang mga nakita, walang takot siyang pumasok sa kuwarto at binalibag ang pinto.
Nagulat ang babae na nasa ilalim ni Julian samantalang si Julian ay mabilis pa sa alas-kuwatro na napabangon. Halata sa mukha nito ang pagkagulat at pagkataranta to the point na huli na nitong na-realize na walang takip ang buo nitong katawan. Agad na tinakpan ni Julian ang tila buhay nitong alaga ngunit hindi iyon nakaligtas sa mata ni April, bagay na kaniyang ikinangisi.
"It's not---" Umiling-iling si Julian habang pilit nitong tinatakpan ang ibaba nito. "It's not what you think..." sabi ni Julian ngunit nginisian lang siya ni April.
Muling bumalik ang tingin ni April sa babae ni Julian na ngayon ay tinatago ang hubad nitong katawan sa kumot nila Julian. Bagay na mas na ikinagalit kaya naman mabilis siyang humakbang papalapit sa babae kapagkuwan ay malakas itong sinampal. Malakas na tunog lang ng pagsampal ni April ang namutawi sa buong kuwarto hanggang sa basagin ni Julian ang katahimikan sa buong kuwarto.
"Why did you slap her?!" sigaw ni Julian kapagkuwan ay muling lumapit sa babae at niyakap ito,
Muling ngumisi si April bago niya nilingon si Julian na ngayon ay namamawis habang galit na nakatingin sa kaniya. Did I hit a nerve? April couldn't stop smirking. She knows the girl Julian brought into their apartment. It was one of the rising stars that Julian's fans are pairing with him. Lagi niya itong nakikita sa mga commercials at sinasabing dahil sa pagiging pretty nito ay isa ito sa mga artista na sunod-sunod nang nakakatanggap ng mga projects.
But April never thought that the woman Julian will bring to their place is Macy Perada. The woman everyone thought was an angel. April grinned as she fought her tears from flowing. Her eyes are feeling tired already, although she's feeling fired up to hurt Julian back.
"Why do you have to slap her?!" muling sigaw ni Julian.
Pagak na tumawa si April. Hindi makapaniwala sa inaakto ni Julian. Kung umasta ito ay parang siya pa ang nakagawa ng mali.
"Bakit ikaw pa ang galit?" tanong ni April. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya dahil sa sobrang galit. She's fighting her tears not to fall but she can't also help feeling the pain in her chest.
Ayaw niyang umayak. Ayaw niyang ipakita kay Julian ang pagiging mahina niya. Gusto niya itong paghigantihan na hindi siya nito nakikitang nasasaktan din sa nangyayari. Pero habang tumatagal, hindi pa rin niya malabanan ang hapdi sa kaniyang puso. She just can't ignore the stabbing pain as she faces Julian being with someone who is far better than her, having s*x without thinking of her and their relationship.
Umiwas lang ng tingin sa kaniya si Julian habang yakap pa rin nito si Macy na tila sobrang nasaktan sa sampal na iginawad niya rito. Humiliation is visible to Julian’s face but being humiliated is not enough for April.
Maraming beses na rin siyang napahiya dahil sa mga kagaya ni Julian na babaero at kating-kati sa intimacy. She always ends up looking like a fool after break-ups. She always ends up being the reason for her past break-ups as every man that she has met can’t fully accept her for who she really is. Laging siya ang nirararason ng mga lalakeng nakilala niya kung bakit sila nagkakahiwalay, bagay na laging ikinalulungkot ni April sa mga taong lumipas.
Ang paninisi sa kaniya ng mga ex-boyfried niya ang isa sa mga dahilan kung bakit mas lalo siya rin nawawalan ng tiwala sa sarili. April never thought every man she met will point fingers at her for being the reason why their relationship didn't work. Laging nasa kaniya ang mali. Laging siya ang sinisisi kung bakit nakagawa ng pagkakamali sa relasyon ang mga ex-boyfriend niya.
At kahit gaano pa kasakit ang mga salitang sinabi sa kaniya ng mga ex-boyfriend niya, wala itong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya. Sa tuwing pagkatapos niya mahuli sa akto ang panloloko o pagkatapos niyang komprontahin ang mga ex-boyfriend niya, wala na itong narinig mula sa kaniya. Tinanggap niya ang mga masasakit na salita ng mga ex-boyfriend as she thinks na deserve niya ang mga sinabi nito sa kaniya.
April is voiceless back then. Thinking that she doesn't have the right to speak for her side, especially that they are pointing to her as the reason for their failed relationship. But now that she had enough, she just realized how foolish men can be.
Naiyukom niya ang kaniyang kamao habang nakatingin kay Julian na hanggang ngayon ay hindi makatingin sa kaniya habang inaalo nito si Macy na mangiyak-ngiyak pa rin habang ang isa nitong palad ay nasa pisngi nitong namumula.
"That's right," mahinang sabi ni April habang may tumutulong luha sa kaniyang pisngi. "Sa sobrang kagaguhan niyong mga lalake, kayo na nga ang may mali, kayo pa ang galit. Kayo pa ang biktima at kayo pa ang nanghuhusga!"
"Julian, she slapped me," sabi ni Macy kapagkuwan ay sumiksik sa dibdib ni Julian habang patuloy na umiiyak, bagay na ikinasakit ng kaniyang puso.
April huffed before wiping her tears on her soak cheeks. "Ikaw, Julian? Anong rason mo para lokohin ako? Dahil sa hindi ako kagandahan? Na hindi ako presentable para iharap sa publiko, sa mga kaibigan at magulang mo? O b aka dahil sa s*x dahil..."
Dumako ang tingin ni April kay Macy na tila naghahantay ng sasabihin niya. Pathetic. April said in her mind before continuing. "Hindi ba? Alam ng publiko na may girlfriend si Julian? Bakit ka sumama sa gagong 'to? Kating-kati ka rin ba kagaya nito? " sabi ni April na mukhang ikinagalit ni Macy.
"You're wrong! It's Julian who talked to me first. I know your relationship with him but he said that you're nothing but a conservative b***h. And we have been together for four months. Gusto ka na niyang iwan pero hindi niya magawa dahil naaawa na lang siya sa iyo!" Macy said that made April's blood boils.
Ilang hakbang lang ang ginawa ni April bago siya napunta sa gilid ng kama kung nasaan si Macy at muli itong sinampal ng pagkalakas-lakas. Sasabunutan pa sana niya ito nang hilahin ni Julian si Macy papalapit sa katawan nito.
"April! That's enough, you don't know what her family can do to you!" galit na sabi ni Julian kapagkuwan ay muling niyakap si Macy.
"Julian, it hurts," sabi ni Macy pagkatapos ay nagpatuloy sa pag-iyak habang nakasubsob ang mukha nito sa dibdib ni Julian.
It pains her to see Julian caring for another woman. Parang dati lang ay siya ang madalas na humihiga sa dibdib ni Julian dahil gusto-gusto niyang nasisiksik siya sa matigas nitong dibdib. But now that she's seeing another woman on Julian's chest, she's pissed.
"Tch!" April shooked her head before turning back on them.
Habang patuloy niyang naririnig ang pag-iyak ni Macy, pumasok sa walk-in closet nila ni Julian si April kapagkuwan ay kinuha ang walang laman niyang maleta. Julian bought her clothes many times but she's not going to bring anything that Julian bought her. Ang mga pinasok niya lamang sa maleta ay ang mga damit niya bago pa sila maging magkarelasyon ni Julian. Hindi rin naman siya natagalan dahil matagal na niyang pinag-isa ang mga damit niya at itinago iyon sa kanilang walk-in closet.
Nang makuha niya ang mga damit niya, agad din siya lumabas ng walk-in closet at kinuha ang bag niyang nasa bedside table.
Bumalik ang tingin ni April kay Macy kapagkuwan ay nginisian ito. Napaka-arte naman. Dinaig pa siya kung umiyak samantalang sinigurado niya naman na hihinaan niya lang ang pagsampal dito.
Bagay nga talaga sila ni Julian. "Isang makati at isang manloloko." April chuckled for a bit. " Congratulations, Julian."
"H-huh?" Tila lutang na sabi ni Julian habang nakatingin sa kaniya.
April smiled gravely before turning on her cell phone and show Julian the picture she captured while Julian is busy having s*x with Macy. Parehong nanlaki ang mata ni Julian at Macy. Bakas sa mukha nila ang takot at kaba habang nakatingin sa kaniya.
"A-april..." Umiling-iling si Julian habang nakatingin sa kaniya na para bang nagmamakaawa. "Please, don't... Don't spread it with everyone. I promise I will break up with Macy and go back to you but please..."
Malawak na ngisi ang gumuhit sa labi ni April nang makita ang tila nasaktan at trinaydor na mukha ni Macy habang nakatingin ito kay Julian na nagmamakaawa na huwag din ipagkalat ang litrato nakuha niya.
"Asshole, isn't he?" tanong ni April kay Macy ngunit napatitig lang sa kaniya si Macy pagkatapos ay yumuko.
Alam niyang nahihiya ito ngayon sa sarili. Macy is also a victim of Julian's doing but it doesn't mean that April is on Macy's side. Si Macy na mismo ang nagsabi na alam nito na may relasyon sila ni Julian noong oras na nilalandi ito ni Julian. Macy didn't back-off instead, she chooses to hook up with Julian for the past four months that she's still blindly in love with Julian. Mas pinili nitong maging other girl kahit na alam nitong may karelasyon.
Kahit pa si Julian ang gustong makipaglandian, alam ng publiko na may karelasyon si Julian at kahit pa hindi siya ka-level ng trabaho ni Julian, she wants their private relationship to be respected. Although it's Julian who failed to grant what she really wants for their relationship, she's still pissed at Macy for meddling in their relationship. Mas pinili nito maging third party sa relasyon nila Julian kaysa respetuhin siya bilang babae.
At gusto man ni April na makisimpatya kay Macy dahil sa pagtatraydor ni Julian dito, hindi niya iyon magawa-gawa. Kung totoosin ay natutuwa pa siya sa nangyari dahil hindi lang siya ang naging miserable at nasaktan. Pati na rin si Julian dahil sa takot nitong masira ang reputasyon dahil sa hawak niyang alas at si Macy na tila trinaydor dahil sa mga salitang binitawan ni Julian sa kaniya.
"Your offer is inviting, Mister," sabi ni April kapagkuwan ay humakbang ng isang beses papalapit kay Julian.
Hinawakan niya ang pisngi ni Julian pagkatapos ay ngumiti ng matamis. I'm not stupid to go back running in your arms, Julian.