Aminado si April na nakakahiya ang ginawa niyang pag-walk out. She's not beautiful, she knows that. Manang siya pumorma at mukha rin siyang nerd dahil sa suot niyang salamin. She knows that she has no right to be seen with someone like Lukas.
But why do they have to be rude to someone like me? Sabi ni April sa kaniyang isip habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.
Paulit-ulit at nakatatak na sa kaniyang utak na wala siyang angking kagandahan kagaya ng mga kababaihan kanina na pinapanood sila Lukas kanina. Alam na alam ni April na hindi siya maganda pero ang mga sinabi ng mga kababaihang iyon na ambisyosa siya dahil lang sa aksidenteng nangyari between sa kaniya at kay Lukas, iyon ang hindi niya mapapatawad though in the end, alam ni April na wala siyang magagawa sa kung anong mga sinabi ng mga kababaihang iyon.
Sino nga ba siya para magreklamo? April knows to herself that she's just a nobody. Many people on her life had been unfair to her so she knows her worth. Wala siyang karapatan na ipaglaban ang sarili niya kung kaya't kung ano man ang mga sinabi sa kaniya ng mga kababaihan kanina sa loob ng restaurant, wala na siyang pakialam do'n.
She is heartbroken and starting a fight with some beautiful women will only make her situation.
I will stay ugly and that's okay. Tanging sabi ni April habang nakatingin sa labas ng sasakyan. After niyang mag-walk out, gusto niya pa sana na lumayo. Iyong malayo mula sa restaurant at kay Lukas dahil sa kahihiyang nararamdaman niya ngunit nakita niyang mag-gagabi na rin pagkatapos niyang makalabas mula sa restaurant.
She choose to do the wise thing and that is to stay inside the car lalo na at bigla na lamang umulan saktong pagkalabas niya ng restaurant.
Ilang minuto na rin ang lumipas simula nang mag-walk out siya. Akala niya ay agad na susunod sa kaniya si Lukas pagkatapos niyang mag-walk out at lumabas ng restaurant. Hindi naman sa umaasa siyang susundan din siya ni Lukas dahil may pakialaman ito sa kaniya. Hindi naman siya maganda at alam niyang nagsisinungaling lang din naman ito sa sinabi nito para mapagaan ang loob niya.
Wala na rin naman na kasi siyang ganang kumain pagkatapos ng mga nangyari bagkus mas lalo lang siyang na-down at inaalala kung ano ang mga tapos nang nangyari. Ang ginawarneg panloloko sa kaniya ni Julian. Iyong mga litratong mas lalong nakadurog ng kaniyang puso. Ang mga sinabi sa kaniya ng mga kababaihan sa restaurant at si Lukas.
Nagsinungaling lang naman sa kaniya si Lukas at wala naman iyong kaso sa kaniya ngunit ang muling ikinadurog ng puso niya ay ang pagtulak nito na alam niyang nakita ng lahat. Hindi niya alam kung gano'n ba talaga siya kapangit para itulak pa siya ng medyo may kalakasan o sadyang ayaw lang talaga ni Lukas na malapit siya dito.
Alinman sa dalawa ay nakasakit pa rin sa kaniya. What happened really hurt her feelings that's why she doesn't to talk to Lukas anymore. Sobrang kahihiyan ang nangyari sa loob ng restaurant at bukod do'n, hindi niya kilalang tao si Lukas para magalit siya sa ginagawa nitong pakikipaglandian kanina sa mga waitress ng restaurant.
Nadala man siya ng pagka-bitter, nahihiya rin siya kay Lukas kahit na nasaktan siya sa ginawa nito. Kung tutuusin ay may parte si April na gusto na lang umalis at umarangkada kahit wala si Lukas. Wala siyang pakialam kung magalit ito sa oras na iwanan niya ito. Puwede naman kasi niyang ikuwento kay Hailey ang lahat ng nangyari at sigurado siya na poprotektahan siya ni Hailey sa oras na magalit nga si Lukas sa kaniya pero in the end, nanatiling tahimik si April sa loob ng kotse.
She feel worse. She is hurting to the point that she wishes to be numb. Ayaw na niyang masaktan. Sobrang sakit lang ang nakukuha niya sa tuwing nagmamahal siya. Masyado siyang umasa na si Julian ay hindi kagaya ng ibang lalake na kilala niya bilang loko-loko. Umasa siya na maganda ang relasyon at pagsasama nilang dalawa ni Julian.
Hindi niya inakala na isa rin pala si Julian sa mga kalalakihan na puros intimacy ang habol sa relasyon. Inakala ni April na honest itong tao at mabait dahil sa napaka-thoughtful din nito tuwing magkasama sila kahit na madalas ay nilalandi siya nito. Ang akala niya ay nilalandi siya ni Julian dahil normal lang din naman iyon sa magkarelasyon.
Hindi niya alam na gano'n na pala si Julian ka-frustrate sa tuwing hindi niya ito pinagbibigyan. Akala niya ay matino ito at hindi gagawa ng kahit anong bagay na makakasira sa reputasyon nito bilang rising star na rin.
But I guess, I'm the one who is at fault too. Sabi ni April sa kaniyang isip habang nakatingin sa salamin ng kotse kung saan may dumadaloy na tubig mula sa malalaking patak ng ulan.
Ilang minuto na ang nakalipas, patuloy pa rin ang pagbagsak ng ulan kasabay ng kulog at kidlat. Tila nakikisabay sa wasak na puso at pagkatao ni April ang masamang panahon kung kaya't himbis na maghintay sa loob ng sasakyan, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse sa kaniyang gilid pagkatapos ay lumabas.
Dahan-dahang tumingala si April habang mabilis na bumabagsak sa kaniya ang malalaking patak ng ulan. Habang ang mga tao sa paligid ay pare-parehong nasa ilalim ng kanilang mga payong, si April ay patuloy na nakatayo sa sidewalk habang nararamdaman ang malamig na patak ng mga ulan na bumabagsak sa kaniyang mukha.
She actually felt a little bit okay as she felt the cold drops of rain to her face. Napakalamig na ng temperatura ngunit hindi alintana iyon ni April habang siya ay nagpapakabasa sa ulan. Maging ang kasuotan niyang halos ilang oras na niyang suot ay bumibigat na dahil sa pagkabasa nito gawa ng malalaking patak ng ulan.
She just stood there, unmoving. Hindi niya alintana ang ilang taong napapatingin na sa kaniya dahil sa ginagawa niyang pagtatampisaw sa ulan. All she care about is every memory she has with Julian that she's suddenly remembers.
Every moments that makes her happy back then is now memories that can instantly make her feel pain. Mga alaalang ginawa niya kasama ang taong kahit kailan ay hindi naman pala naging tapat sa kaniya.
And now, she just want to end everything. Kahit halos mag-iisang araw pa lang ang nakalipas simula nang malaman niya ang hindi pagiging tapat sa kaniya ni Julian. Hindi lang ang sakit dulot ng nasirang relasyon nilang dalawa ni Julian ang nakasakit sa kaniya kung hindi maging ang mga karanasan niya sa mga nakaraan niyang nakarelasyon ay bumalik sa kaniya.
Lahat ng mga nangyari sa kaniya ay unti-unting bumalik sa kaniya. Kung ilang beses na siyang niloko at pinaasa. Kung ilang beses siyang nasaktan sa tuwing nakakarinig siya ng masasakit na salita mula sa mga taong pinagkatiwalaan niya. Lahat ng sakit mula sa mga nakaraan niyang relationship ay tila isang sugat na muling nabuksan sa kaniyang pagkatao.
At ngayon, gusto na lang ni April na matapos ang sakit. She feels like the world doesn't even need her. Pakiramdam niya ay hindi rin naman siya mahalaga dahil kung mahalaga siya kay Julian, hindi nito magagawang lokohin siya at gumawa ng malaking pagkakamali dahil sa hindi niya lang maibigay kung ano ang gusto nito mula sa kaniya.
They all hurt me just because I couldn't give them what they want from me. Hindi maintindihan ni April kung bakit sa oras na hindi niya ibigay sa mga taong minahal niya ang gusto nito ay lagi na lang siyang nasasaktan.
April believes that a relationship can go on without giving her virginity to the man she fell in love with. Naniniwala siya na kahit sapat na komunikasyon at pagkakaintindihan lang ay kaya ang makapagpatuloy ng isang relasyon.
But being hurt again is literally making her break down. May parte sa kaniya na gusto niyang magkulong sa isang madilim at malamig na kuwarto. Gusto rin niya na umalis muna at mag-bakasyon nang sa gano'n ay makapagpahinga siya kahit nasasaktan pa rin siya dahil sa ginawa ng taong hindi niya dapat pinagkatiwalaan.
She wants to do something but she's so tired to even move out of the sidewalk, where she is standing while still looking up to the dark stormy clouds. Pagod na pagod siya para kumilos at gusto niya na lang magpahinga ngunit hindi niya rin magawang ikilos ang kaniyang sarili.
Nagugustuhan niya kung gaano kasarap sa pakiramdam niya ang pagbagsak ng malalaking patak ng ulan sa kaniyang mukha. Maging ang malamig na klima at ang may kalakasang tunog ng patak ng ulan na kaniyang naririnig ay nakapagdala ng kakaibang katahimikan sa kaniyang pagkatao.
"What the f**k are you doing?"
Dahan-dahang napababa ng tingin si April bago lumingon sa taong nagsalita ilang dipa lamang ang layo sa kaniya. Nang makita niyang si Lukas iyon, walang ekspresyon siyang hinarap ito habang si Lukas naman ay nakakunot ang noo na nakatingin sa kaniya.
Now, here's the guy who just made me felt like I'm a trash to be pushed away.