46

2036 Words

Chapter Forty-six "Talo ka nga, Allegra. Talo." Napasimangot ako. Nandito kami sa cabin nila Kaus at Keisha. Naglalaro ng baraha. Pataasan daw. Pero talo ako? "20 nga ako, Keisha. Mas mataas ako sa 'yo. 16 ka lang." Giit ko rito. "Aba'y masasapok ko na ito, Xachary. Akala ko ba'y matalino ito?" stress na ani ni Keisha sa lalaki. Parang mas mauuna pa itong umiyak samantalang naglalaro lang kami. "Allegra, lucky 9 ang laro ninyo. Talo ka kasi walang score iyang card mo. Dalawang 10. Iyong kay Keisha ay 10 at 6." Mahinahong ani ng lalaki. "Kanina pa tayo naglalaro, Allegra. Ayawan na." Napasimangot ako. Gusto ko pang maglaro pero hindi kasi talaga maintindihan. "I'll teach you, Allegra." Bulong ng lalaki sa akin. Si Keisha ay humiga sa tabi ni Kaus sa couch habang nanonood ang lalaki. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD