Chapter Eighty-two Kinalabit ko si Xachary. Nakaalis na kami sa company at ngayon ay nakalulan na sa sasakyan at patungo sa mansion. Ngayong araw ko rin planong palayasin ang mga kamag-anak kong wala namang matinong ginawa sa buhay. Lumingon ang nobyo ko sa akin. "What?" ani nito. "Nakita mo iyong acting ko kanina? Sobrang kaba ko... pasado ba?" "Ginalingan mo, Allegra. I'm so proud of you nga habang nagsasalita ka." Kinilig na napahagikhik ako. "Totoo?" excited na tanong ko rito. Tumango naman ito. "Yes." "Hihi! Charot ko lang iyong tapang ko kanina. Ang dami kasing camera. In-imagine ko na lang na artista ako." Ang lakas ng naging tawa nito. "By the way, what is charot?" ani nito na bahagyang pinisil ang baba ko. "Charot... parang joke lang. Gano'n. Tinuro iyon ni Tiya