Chapter Seventy-four Xachary "Mas kilala ni Allegra ang kanyang ama, Xachary. Ipaalam mo sa kanya iyan. Baka kung ililihim mo ay iyan pa ang maging cause ng problema sa relasyon ninyo. Inform her. Huwag mo siyang hayaang walang alam sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang ama. Mahirap makita siyang nasasaktan. Pero mas mahirap makita siyang bulag sa katotohanan." Seryosong ani ni Lolo sa akin. Kasama ko rito sa silid nila si mommy at daddy. Narito rin si Lola. Si Allegra lang ang wala dahil nagklaklase ito sa library. Pare-pareho sila ng opinion sa impormasyon na natuklasan ko. Sabihin ko raw kay Allegra. "Anak, sabihin mo sa kanya. Nandito naman tayo para sa kanya. Hindi naman natin siya pababayaan." Assurance ni mommy. Bumuntonghininga ako. "Hindi ako makapaniwala na magagawa i