Chapter Fifty-nine Suot ang sombrelo at salamin ay tahimik akong lumabas ng mansion. May extra ako para naman sa ginang na nasa garden. "Ma'am, ito na po." Isinuot ko sa kanya ang sombrelo at salamin. Halatang nagulat ito pero hindi naman niya tinanggal iyon. "Tara na po." Hinila ko siya patungo sa driveway. Naroon din kasi ang sasakyan niya. Nang makita kami'y agad kaming pinagbuksan ng pinto. Nang makasakay kami ay tinignan ko ito. "Grabe! Ang bilis nang t***k ng puso ko, ma'am. Buti na lang po't kasama kita sa paglalayas." "Seatbelt." Tinignan ko lang iyon. Nang hindi ako kumilos ay ito na ang nag-seatbelt sa akin. "Ma'am Yera, saan po tayo?" tanong ng driver. "ERM." Dahil hindi ko alam kung saan ang ERM ay nanahimik na ako sa bagay na iyon. Pero siyempre hindi ko kayang mataga