Chapter Seventy-nine "At kung talagang mahal mo si mommy... bigyan mo ng hustisya ang pagkamatay niya. N-ilason siya, daddy. Iyong babaeng mahal mo ay nilason pero ang tagal na wala pang hustisya para sa kanya. Tinanggap ka ni Lola at Mommy pero sana silang dalawa... silang dalawa'y bigyan mo ng justice. Huwag mo silang biguin." Iyak ko sa aking ama. "Alam kong masama... pero deserve ni Tiya na masira ang buhay niya kagaya nang pagsira niya sa pamilya natin. Oo, sinira niya. Dahil sa kanya nawala si mommy. Dahil sa kanya ay naiwan ako sa mansion na iyon habang ikaw ay nagpapatuloy ang buhay sa labas. Sinira niya ako, daddy. Kung anak pa ang turing mo sa akin... kumilos ka." "I'll do it. Kahit anong iutos mo ay gagawin ko, anak. Sana'y mapatawag mo pa ang daddy---" "I hate you... hindi