"B-BABY KO... " Nag-umpisang pumatak ang luha mula sa magkabilang pisngi ni Ahnia. Dahil sa gulat ay wala sa sariling nabitiwan niya ang hawak na garapon na puno ng asin. Nahulog ang ilang laman niyon sa lupa. Marahan niyang pinahid gamit ng mga daliri ang dugo mula sa kaniyang hita. Mas lalong bumuhos ang mga luha niya nang makita ang dugo sa kaniyang kamay. Natigilan lamang siya nang muling marinig ang hiyaw ng manananggal. Lumingon siya at mula sa kinatatayuan ay nakita niya ito sa ere. Kitang-kita niya ang babae nang tumama ang kabuuan nito sa bilog na buwan. Kagat-lagi niyang pinulot ang garapon ng asin at mabilis na binuhos ang laman niyon sa kalahating katawan ng manananggal. Napasinghap siya nang magsimulang kumislot at bumula ang laman-loob nito. Isang hiyaw naman ang maririni