bc

THE MISTRESS

book_age18+
27.3K
FOLLOW
508.9K
READ
fated
CEO
mistress
drama
twisted
YA Fiction Writing Contest
lighthearted
betrayal
illness
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

I am your husband's mistress. And also I'm The Mistress that you will surely Love. - Nisha Martina Greene

This story is R**8. Rated SPG so, Read at your own risks :)

chap-preview
Free preview
THE MISTRESS
NISHA MARTINA GREENE Isang babaeng kontento na sa magandang buhay na kaniyang tinatamasa. Hindi siya mayaman pero hindi rin naman sila ganon kahirap.  Masaya siya sa kaniyang buhay. Kumpleto ang kaniyang pamilya at mahal na mahal nya ang mga ito.  Maswerte din sya sa kaibigan dahil kahit anong pang mangyare ay hindi sya nito iniiwan.  At higit sa lahat...  Maswerte sya sa kaniyang boyfriend. She has a boyfriend na mahal na mahal sya. Kung ituring sya ay kala mo isa siyang babasaging crystal. Napakabait ng kaniyang kasintahan at bukod doon ay gwapo pa at ubod ng yaman. Lahat na ata ng gusto ng isang babae sa isang lalaki ay nasa boyfriend na ata nya. Masasabe nyang napakaswerte nya dahil nasa kaniya na ang lahat.  Masayang pamilya. Mabait na kaibigan at Mapagmahal na Boyfriend. Pero ang buhay ay HINDI PERPEKTO. Dahil ang masaya nyang buhay ay unti unting nasira.  Nasa College sya noon ng magulo ang lahat. Kakailanganin niyang iwan ang kaniyang boyfriend dahil sya ang napili ng kanilang school upang gawing EXCHANGE STUDENT. Ipinadala sya ng kanilang school sa America para doon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. "Do you really need to leave?" Malungkot na tanong sa kaniya ni Ash. Ang kaniyang boyfriend.  Ashton Gray Middleton; ang lalaking bukod tanging mamahalin niya habang buhay. Well, bukod sa tatay niya.  Malungkot ito dahil sa pag-alis niya. Tumango tango sya. "Yes. I'm sorry, babe. But I really need to leave. Diba pangarap ko ang makapag-aral sa ibang bansa? Ayaw mo nun? Matutupad na yung pangarap ko?" Saad nya rito at malungkot syang ngumiti.  Nalulungkot sya dahil ayaw din naman nyang iwan si Ashton dito. Hindi na kasi sya sanay na wala sa tabe nya ang lalaki. Masyado na syang attached dito. Bumuga ng hangin si Ashton. "Babe naman. Alam mong suportado kita sa mga pangarap mo. Pangarap mo, pangarap ko na din. Kasiyahan mo, kasiyahan ko na din. It's just that.." Bumuntong hininga muna ito bago itinuloy ang sasabihin. "It's just that hindi na ko sanay na wala ka. I want to be with you always. Gusto ko lage ka lang nasa tabe ko. Gusto ko lage kitang nakikita, Nisha." Malungkot nitong saad. Kitang kita nya sa mga mata nito ang lungkot.  Nalungkot sya lalo. Anong dapat nyang gawin upang pasiyahin ito? Ayaw nya itong nakikitang nalulungkot dahil nasasaktan sya tuwing nalulungkot ito. "Ash, babalik ako. Babalikan kita dito ok? Trust me." At tumingkayad sya upang hagkan ito sa noo.  "C'mon. May gagawin tayo para hindi mo ko makalimutan at para malaman mong babalikan kita."  Inaya nya ito sa Condo nito.  That night, may nangyare sa kanila. She gave herself to him para mapanatag itong babalikan nya ito. She gave him an assurance.  Hindi nya pinagsisihan ang gabeng iyon na may nangyare sa kanila. Delightful pa nga kasi may babaunin syang matamis na ala-ala bago sya umalis.  Dumating ang araw na kakailangin na nyang umalis. Hinatid sya ng pamilya niya sa Airport at syempre kasama sa mga naghatid sa kaniya si Ash. "Mag-iingat ka lage don, babe. Just call me if you need anything or if there's something happen. Hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka." Bilin nito sa kaniya. Natawa sya at napatango tango. "Mag-iingat ka din dito huh? Wag kang mangbabae kung di babaugin kita!" Banta nya rito na ikinatawa nilang dalawa.  Ashton pull her to a hug. "I will miss you, Nisha. My babe." Saad ni Ashton habang sila'y magkayakap. Ngumiti sya. Naiiyak na sya ngunit pinipigilan lamang nya. "Me too. Mahal na mahal kita." Malungkot nyang saad dito.  Inilayo sya ni Ashton at yumukod si Ashton para ipagdantay ang kanilang mga noo.  Nakapikit silang parehas. "Mahal na mahal kita, Nisha. Balikan mo ko dito." Saad ni Ashton. Tumango tango sya at minulat nya ang kaniyang mga mata.  Nasalubong nya ang kulay abo nitong mga mata. Ang pinakamagandang mga mata na nakita nya sa tanang buhay nya.  "Babalikan kita, promise." And Ashton kissed her forehead. Tinawag na ang flight nya kaya humiwalay na sya sa lalaki.  Nagpaalam na sya sa kaniyang pamilya at maging sa lalaki.  Tumalikod na sya at naglakad na papasok sa Departure Area.  Ngunit hindi pa sya ganoong nakakalayo ng tawagin sya ni Ashton.  Paglingon nya, ay agad syang sinalubong ng mapupulang labe ng Binata.  Umiiyak ito habang hinahalikan sya kaya hindi na nya napigilan pang mapaiyak din. She kissed him back.  They shared a long hot kiss like they don't want to let go of each other. "I love you. I love you so much." Anas ni Ashton sa pagitan ng paghingal ng maghiwalay ang kanilang mga labe.  He cupped her faced and he wiped her tears using his thumb. "Promise hihintayin kita. I'll wait for you even if it takes forever." Muling anas nito. Muling naglandas ang kanyang mga luha sa kaniyang pisngi. "Pangako ko rin sayong babalikan kita. At sa pagbalik ko, hindi na tayo muling magkakahiwalay." Anas nya sa pagitan ng paghikbi.  Tumango tango si Ash at muli syang hinagkan sa noo.  Nakangiting humiwalay na sya sa lalaki at this time walang lingong likod na syang pumasok sa Departure Area.  Pagdating nya sa America, walang humpay ang Pags-skype nila ni Ash. Walang araw na hindi sila nagvi-video chat.  Hindi sila nawawalan ng komunikasyon. Kung hindi sila magka-Skype, magkachat naman sila sa FB o kaya magkatawagan sila. Wala silang pake kahit mahal pa ang international call.  Tuwing Pasko at Bagong Taon din ay lage syang pinupuntahan ni Ashton sa America upang magkasama nilang icecelebrate ang mahalagang dalawang araw na yun.  Pag birthday din nila ay buong araw silang magkachat. Hindi nila alintana na magkaiba ang oras nilang dalawa. Walang pake kahit kapwa puyat pa silang papasok sa eskwelahan.  Yes. They have the same birth date. Same day, same month and same year. Natatawa nga sya eh. Para kasi talagang tinadhana sila para sa isa't isa.  But.. PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN. Dahil pagkalipas ng tatlo't kalahating taon, unti unti silang nawalan ng komunikasyon ni Ashton. Naging busy sila pareho dahil they are both graduating.  Hanggang sa tuluyan na nga silang nawalan ng komunikasyon.  (NISHA!) Si Georgina. Ang kaniyang best friend since elementary.  Kakauwe lang niya galing sa kanilanv graduation ceremony. Andito rin pala ang kaniyang pamilya. Sa ngayon ay nagpapahinga na ang mga ito. "Oh? Georgina! Kamusta ka na?" Pagkamusta nya dito atsaka sya umupo sa kaniyang kama.  Magkausap sila sa telepono. (Ok lang ako. Pero Nisha kasi. May kailangan kang malaman.) Sagot nito na nagpakaba sa kaniya. "A-ano yun?" Narinig nya ang pagbuntong hininga nito. Mas lalo tuloy syang kinabahan. (Si Ashton!) Tukoy nito sa kaniyang boyfriend. Kinabahan sya lalo ng marinig nya ang pangalan ng nobyo nyang matagal na nyang hindi nakakausap o nakakachat man lang.  Bigla kasi itong hindi nagparamdam sa kaniya. Naiintindihan naman nya kasi nga pareho silang graduating that time pero parang may mali kasi eh. Parang feeling nya may iba pang rason kung bakit bigla itong hindi nagparamdam sa kaniya. "What about Ashton?" Kinakabahan nyang tanong. (He's already married!) Yung ang mga salitang nagpamginig sa kaniyang kalamnan.  Natulala sya at nawala sa sarili. Bigla rin ang paglandas ng masaganang luha sa kaniyang pisngi.  Ashton is already married?! Pero paano?! Sya ang girlfriend nito. Paano mangyayareng kasal na ito?! "K-kanino?" Nauutal nyang tanong.  (Kay Jessica Saavedra.) Lalo syang nanginig sa pangalan na kaniyang narinig. Of all people?! Bakit dito pa?! For Pete's sake! Sa mortal na kaaway pa niya! Si Jessica Saavedra ay ang mortal na kaaway nya mula pa nung highschool sila ni Georgina. Lage itong nakikipagkompitensya sa kaniya kahit na hindi naman sya nakikipagkompitensya dito. Hindi nya alam pero galit na galit ang babae sa kaniya. Alam nya ding matagal ng may gusto ito kay Ashton. Pero nakakapagtakang bakit pinakasalan ito ni Ashton?! Wala sa sariling naibaba nya pala ang tawag.  Tumayo sya at lumapit sa kaniyang laptop. Nag-open sya sa kaniyang FB at doon nakita nya ang mismong larawan ng dalawang Newly Wed Couple. Nasa News Feed nya ang larawan ng dalawa. Magkasama ito at pawang nakasuot ng damit pangkasal. Nakangiti itong pareho sa larawan. Halatang masaya ang mga ito. Parang dinurog ang kaniyang puso sa nakikitang larawan.  Ano na ang nangyare sa pangako nitong HIHINTAYIN SYA NITO?! Ano na?! Pinatay nya ang kaniyang laptop at umiiyak na napaupo sa sahig.  She clutched her chest at parang baliw na humagulhol.  Para syang pinapatay sa sakit ng nararamdaman nya. Sana nga pinatay na lang sya.  Nakamit nga nya ang pangarap na inaasam nya. Ang makapag-aral at makapagtapos sa ibang bansa. Pero nawala naman sa kaniya ang lalaking pinakamamahal nya.  How dare him?! Nangako ito sa kaniya na hihintayin sya nito. That he will wait for her even if it takes forever pero anong nangyare sa pangako nito?! Napako! Damn him!  Unti unting nawala ang sakit na nararamdaman nya at nabuhay ang galit. Galit para sa lalaki at sa asawa nito. Unti unting bumagsik ang kaniyang mukha at tumayo sya.  Humarap sya sa salamin at marahas nyang pinahid ang kaniyang mga luha. "Magsisisi kayo sa ginawa nyong pananakit sakin! Mga hayop kayo! Hayop ka Ashton! I trust you, you dumbass! Magsisisi ka sa ginawa mong pangloloko sakin! Manloloko!" Galit na sabe nya sa harapan ng salaming. "Sa pagbabalik ko, humanda kayo. Ibang NISHA MARTINA GREENE na ang makakaharap nyo. Matitikman nyo kung paano MASAKTAN. Makikita nyo ang hindi nyo pa nakikita sa tanang buhay nyo. At ipapatikim ko sa inyo ang lasa ng impyerno!" ---- AKO SI NISHA MARTINA GREENE. AT BABAWIIN KO KUNG ANO ANG AKIN. KASEHODANG MAGING KABIT PA KO. WALA AKONG PAKE. ASHTON GRAY MIDDLETON IS MINE! ONLY MINE! AT AKO ANG KABIT NYA!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.5K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.6K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook