bc

KAPALIT AY PURI || SPG

book_age18+
3.6K
FOLLOW
32.9K
READ
one-night stand
HE
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

PAUPAHANG SINAPUPUNAN 3

[Lily and Darius story]

Habang nagpa-party si Lily sa isang club, bigla na lang sumulpot sa kaniyang harapan ang lalake na pinagkakautangan niya ilang taon na ang nakakaraan.

Sinisingil siya nito pero wala itong planong tanggapin ang kaniyang pera.

He want something from her. He wants her.

chap-preview
Free preview
WAMPIPTI
Napuntahan ko na yata ang lahat ng lending na puwede kong apply-an ng loan pero bigo ako. Hindi nila ako pinahiram. Wala daw akong kakayahang magbayad. Napakadami din nilang hinihingi na mga requirements na hindi ko kayang ibigay. Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan ng jeep, nang makita ko si Mr. Chua. Ang may-ari ng maliit na grocery store malapit sa palengke. "Lily, kumusta?" Nakangisi niyang tanong. Nagmamadali itong lumapit sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi, habang nakatingin sa taba sa ilalim ng kaniyang baba, na sabay sa pagtalbog ng kaniyang malaking tiyan habang naglalakad. "Ayos naman po," sagot ko. Kahit naiirita ako sa matandang 'to, kinausap ko pa din baka sakali na mapahiram niya ako ng pera. Kailangang-kailangan ko talaga. "Ano'ng balita sa tatay mo?" "Iyon nga po, naghahanap ako ng pera para pampiyansa niya. Pang-areglo na din po doon sa nabaril niya." Tumango ito. "May nahanap ka na?" Malungkot akong umiling. "Puwede kitang pahiramin," sabi niya na kinaliwanag ng aking mukha. Nabuhayan ako. "Talaga po?" "Oo naman..." tumatango-tango na sagot niya. "Naku, mr. Chua, hulog po kayo ng langit." Tumawa ang matanda. Litaw na litaw ang madilaw niyang mga ngipin na ilang araw na niya yatang hindi nililinis. Nag-iwas ako ng tingin, dahil hindi ko talaga maatim na titigan siya ng matagal. Hindi na nga siya guwapo, hindi din siya malinis sa katawan. Parang gusto kong masuka. "Pero syempre, may kapalit iyon, Lily..." pahabol niya. Tumango ako. "Babayaran ko po paunti-unti. Iyong interes naman po, puwede ko kayong ipaglaba ng isang taon." Matamis akong ngumiti. Hinimas niya ang kaniyang baba. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang baba, at mula sa baba hanggang sa aking dibdib. Manyakis talaga. Kinutuban ako sa kaniyang inaasta. Huwag naman sana. "Iba ang gusto kong kabayaran, Lily," sabi niya. Jusko! Heto na nga ang sinasabi ko. "Ang pechay mo. Gusto ko ang masarap mong pechay." Dinilaan pa niya ang kaniyang labi. Sa sobrang inis ko tinalikuran ko na siya. Baka hindi ako makapagtimpi, ano pa ang magawa ko sa kaniya. Wala talaga akong maaasahan sa matandang iyon. Nagsayang lang ako ng oras. Bagsak ang aking balikat na umuwi ng bahay. Nasa kusina si Nanay pagdating ko. Alas-kuwatro pa lang ng hapon pero nagluluto na siya ng hapunan. Dadalhan niya ng pagkain si Tatay sa kulungan. Nakulong si Tatay dahil aksidente niyang nasaksak ang kaniyang kainuman. Nagkainitan ng ulo ng mga bangag na. Naglabas daw ng kutsilyo ang isa sa kainuman nila at tinutok doon sa isa. Umawat lang daw naman sina tatay, nakipag-agawan sa kutsilyo at ayun nga aksidenteng nasaksak iyong kasama pa nila. Ang biktima naman, naospital. Inoperahan. Malaki ang hinihinging pera ng biktima sa amin. Kailangan din namin ng pampiyansa kay Tatay. "Nay." Nagmano ako kay Nanay. Tinignan ko ang gulay na kaniyang niluluto. "Oh, kumusta ang lakad mo?" Bumuntong hininga ako at malungkot na tumingin sa aking ina. Napailing siya. "Pero huwag po kayong mag-aalala, Nay. Gagawan ko po ng paraan. Lalabas po ulit ako mamaya. Hindi ako titigil hanggat hindi natin nailalabas sa kulungan si Tatay." "Iyang tatay mo kasi, ilang beses ng sinabihan na tigilan na ang pag-inom," umiiyak at pagalit niyang sabi. "Nay, nangyari na po ang mga nangyari. Wala na po tayong magagawa sa mga bagay na tapos na." "Maliligo lang po ako. Pagkatapos kong kumain lalabas po ulit ako." Nang maisara ko ang pintuan ng banyo, tahimik akong umiyak. Hirap na hirap na nga kami na maitawid ang pangkain sa araw-araw, tapos ganito pa ang nangyari. Huminga ako ng malalim. Laban lang, Lily, pagpapalakas ko sa aking sarili. Kailangan kong magpakatatag. Pagkatapos maligo at magbihis, kumain na ako. Hinahanda na din ni Nanay ang mga dadalhin niya sa pagpunta sa prisinto. "Nay!" sigaw ng kapatid ko mula sa labas. Ilang sandali pa ay nasa loob na sila kasama pa ang isa kong kapatid. "Nay, nandiyan po si Manong Pedring! Naniningil po ng utang ni Tatay!" Humahangos na sabi ng kapatid ko. Nagkatinginan kami ni Nanay. "Ako na po ang kakausap," sabi ko. Iniwan ko na muna ang aking pagkain upang labasin si Manong Pedring. "Magandang hapon po," bati ko kay Manong Pedring, na tadtad ng tattoo ang kaniyang mga braso. "Kailangan ko na ang pera ko, Lily," diretsahan niyang sabi. "Manong, nasa ku— "Alam ko! Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya sisingilin. Kailangan ko ang pera ko, Lily." "Walang-wala po talaga kami ngayon. Baka po puwedeng bigyan niyo kami ng isang buwan na palugit," pakiusap ko sa kaniya. "Isang buwan?!" Agad tumalim ang kaniyang mga mata na nakapagbigay ng takot sa akin. "Hindi puwede! Tatlong araw lang, Lily! Babalik ako dito pagkatapos ng tatlong araw!" "Kung hindi pa din kayo makapagbayad, mapipilitan akong kunin ang mga gamit niyo na puwede kong pakinabangan!" Naiiyak ako habang nakatingin sa matanda na paalis na. Tumingala ako at tahimik na umusal ng dasal. Dios ko, tulungan mo po kami. Huwag mo po kaming pabayaan. Papasok na ako sa loob ng bahay nang dumating naman si Aling Florita, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. "Lily," nakangisi niyang tawag sa pangalan ko. Kinamot din niya ang kaniyang palad. "Magandang hapon po, Aling Flor..." "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam mo naman ang pinunta ko dito." "P-Po?" Seryoso at tamad niya akong tinignan. "W-Wala pa po kasi kaming pera, Aling Flor... Alam mo naman po ang nangyari kay— "Naku, Lily! Kahit nang hindi nangyari iyan hirap na hirap na akong singilin kayo! Napapagod na ako kababalik dito!" "P-Pasensya na po kayo talaga," buong pagpapakumbaba kong sagot. "Limang buwan na kayong hindi nakakapagbayad ng upa!" "Kung hindi kayo makapagbayad, aba't umalis na kayo!" "Huwag naman po kayong ganiyan..." "Lily, hindi shelter ang paupahan ko! Aba't mabait na nga ako kung tutuusin!" Pataas nang pataas at palakas nang palakas ang kaniyang boses. Bumuhos ang luha sa aking mga mata. "Hindi na kayo makakahanap ng kagaya ko. Limang buwan na kayong walang bayad-bayad. Nakaraan, kamuntik pang maputulan ng Meralco dahil hindi niyo binayaran. Ako pa ang nagbayad, Lily! Eh, hindi naman ako ang gumamit nu'n!" Nagsalubong ang aming mga mata. May punto naman si Aling Flor. Kung ibang landlord iyan, tiyak na paalisin na kami kapag umabot ng dalawang buwan ang hindi nabayaran na renta. Baka nga pina-barangay na din kami. Bumuntong hininga siya. "Umalis na lang kayo." Umiling-iling ako. "Aling Flor, please po, huwag niyo po kaming palayasin." "Gagawa po ako ng paraan, baka po puwedeng humingi ng kahit isang buwan pa, Aling Flor." Huminga siya nang malalim. Kinakalma ang kaniyang sarili. "Isang linggo lang ang mabibigay ko sa inyo. Isang linggo, umalis na kayo." Tumalikod na siya. Pumikit ako at kinalma ang aking sarili. Hindi naman sana kami mamomroblema ng ganito kung hindi ginastos ni Nanay iyong pera na pambayad sa upa at bills. Huminga ako nang malalim. Ayaw kong manumbat. Masyado ng malaki ang problema namin at hindi makakatulong kung manisi pa ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong ako ng yakap ng mga maliliit kong kapatid. Umiiyak ang mga ito. Si nanay at tahimik din na umiiyak sa may gilid. "Huwag na kayong umiyak," pagtatahan ko sa mga kapatid ko. "Gagawa ng paraan si Ate." "Ate, sana po makalabas na ng kulungan si Tatay." "Oo, gagawan ni Ate ng paraan. Sige na, tahan na kayo. Kumain na tayo. Aalis ako ngayon dahil maghahanap ako ng pera." Giniya ko ang mga kapatid ko papuntang kusina. Mukhang na-trauma na sila sa mga nangyayari sa buhay namin. Naaawa ako sa kanila. "Aalis na ako para makabalik ako agad," paalam ni Nanay. "Pag-alis ng ate niyo, mag-locked na kayo ng pinto at mga bintana," bilin niya sa mga kapatid ko. Pagkatapos kong kumain, umalis na din ako. Palakad-lakad ako sa may tindahan, sa tawid ng bahay ni Mr. Chu. Gulong-gulo na ang isip ko sa mga nangyayari sa buhay namin. Para na akong mababaliw. Desperada na din ako. Kahit magdamag akong magbenta sa Divisoria, hindi sapat para mapyansahan si tatay at para mabayaran iyong kainuman niyang nasa ospital. "Hi, Lily!" bati sa akin ni Liwayway. Ang kababata ko na nagtatrabaho sa club. Tipid akong ngumiti. "Kumusta? Nabalitaan ko ang nangyari sa tatay mo." Malungkot akong ngumiti. Lumapit siya sa tindahan. "Pabili nga po ng shampoo!" Nang maibigay ng tindera sa kaniya ang shampoo. Hindi pa siya agad umalis. Tiningnan niya ang may tatlong palapag na bahay sa tawid ng kalsada. "Type na type ka ng matanda," nakangisi niyang sabi. Nagbaba ako ng tingin. Alam ng lahat na may gusto sa akin si Mr. Chu. Noon pa man. Kaso nakakadiri talaga siyang patulan. Bukod sa mataba at matanda na, dugyot din kasi siyang tignan. May putok nga din ito, e. Kaya hindi ko talaga alam kung kaya ko bang sikmurahin na patulan ang matanda. Baka masuka lang ako, literal. Taimtim na nakatingin sa akin si Liway. Para bang binabasa niya ang laman ng aking isipan. Nag-iwas ako ng tingin. "Kung maatim mong pumatol sa kaniya, bakit hindi ka na lang pumasok sa trabaho ko?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Malaki ba ang bayaran doon?" Kuryoso ko namang tanong. "Oo naman. Lalo sa kagaya mo. Maganda, bata at virgin. Tiyak na pag-aagawan ka doon. Patibayan lang talaga ng sikmura ang labanan doon, pero syempre, pwede mong piliin ang customer mo." Ilang sandali akong tumitig kay Liwayway. Para bang nakakita ako ng pag-asa sa pamamagitan niya. "Huwag kay Mr. Chu. Kadiri na, babaratin ka pa." Nanatili akong walang imik habang nakatingin sa aking kababata. "Sige, maliligo na ako. Alam mo naman ang bahay ko. Alam mo din kung saan ang trabaho ko, Lily." Nang makaalis si Liwayway, naglakad-lalad naman muna ako upang makapag-isip isip. Kaya ko ba? Kaso wala na akong ibang choice. Tama din naman si Liwayway. Bahala na. Mabilis akong naglakad papunta sa bahay ni Liwayway. Sa labas ng kaniyang bahay nadatnan ko ang tatlong kasamahan niya sa trabaho. May mga ipit na yosi sa kanilang mga daliri. Mukhang sinusundo na nila si Liwayway. Naging marahan ang ginawa kong hakbang. Nakaramdam ako ng kaba at hiya.. "Lily, naliligaw ka yata?" Nginitian ko sila. "Hindi, may... May usapan kami ni Liwayway." Lumaki ang mga ngisi nila sa kanilang labi sa sinabi ko. "Liway!" Kinatok nila ang pintuan. "Sandali lang, mag-li-lipstick na lang ako!" Sigaw naman ni Liway mula sa loob. "Nandito si Lily!" Ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto. "Good decision, Lily." Hinila niya ang kamay ko papasok sa loob ng bahay niya. "Girls, tulungan niyo akong ayusan siya!" Pumasok din ang kaniyang mga kasama. Naghalungkat sila ng damit sa cabinet. Naghanap ng sandals. Ang isa naman ay hinawakan ang aking buhok. At si Liway naman ay hinawakan ang aking baba. "Bawasan lang natin ng kaunti ang kilay mo," aniya. Pagkatapos akong ahitan, ini-spray-han niya ang mukha ko. Sinimulan niya akong make-up-an. "Wow!" "Gumanda ka lalo!" Napakurap-kurap din ako sa harapan ng salamin. Nag-iba nga ang mukha ko. Mukha na akong bakla. "Magbihis ka na dali. Tapos aalis na tayo. Nasa labas na ang grab." Nagmamadali kong hinubad ang suot kong t-shirt at pantalon. "Ano ba iyang suot mong bra at panty," pintas nila. Luma na kasi ang mga ito. Bigay lang ng kapitbahay namin ang bra. Kumuha si Liway ng bagong panty mula sa kaniyang cabinet. May nakadikit pang sticker doon. "Palitan mo din iyang bra mo," utos niya. Nang makapagbihis ako, agad nila akong hinila palabas ng bahay, Papasok sa sasakyan na naghihintay. Panay ang kuwenthan nila habang nasa biyahe kami. Ako naman, tahimik lang. Labis na kinakabahan. Ang bilis ng t***k ng aking puso at ang aking kamay ay namamawis na din. "Maging wais ka, Lily. Taasan mo ang presyo mo." Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Wala akong gaanong maunawaan lalo at naunahan na ako ng matinding kaba. Nang makarating kami sa club, pinakilala nila ako sa kanilang manager. "Welcome! Galingan mo para balik-balikan ka!" Ngumisi ito. Kuminang ang tatlong ngipin niya nabalutan ng ginto. "Okay, girls!" Pumalakpak siya. "Friday ngayon, kaya galingan niyo. Sana makarami kayo!" Akala ko, ipapa-table nila kami pero ibang-iba dito sa club na ito. Lumabas kami at tumayo sa labas ng club. Napanganga ako nang makita ko ang iba pang mga kababaihan na nakapila sa gilid ng kalsada. Nakakahiya! Nakabalandra ang aking mukha sa labas kung saan dumadaan ang ilang mga sasakyan. Para kaming mga daing na nakabilad sa labas, pero walang araw. Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Kapag may humihintong sasakyan, agad silang lumalapit dito. "Magmasid ka na muna," sabi ni Liway sa akin. Nakapameywang siya at malaki ang ngiti sa mga labi na kumakaway sa mga sasakyan na dumadaan. May huminto sa tapat ng babae na na katabi ko. Binaba nito ang bintana. Sumilip ang isang may edad na lalake. Pero kahit may edad na, halatang malinis at may itsura ito. Mukha din siyang mabango. Mas okay kaysa kay Mr. Chu. "Hi handsome," sabi ng babae sa kaniya. "Magkano?" Tanong ng lalake. "Twenty," sagot ng babae habang ngumunguya ng bubble gum. Tumango ang lalake. Agad namang pumasok ang babae sa passenger seat. Parang ang dali lang pero kinakabahan ako. Paano kung walang kumuha sa akin? Paano kung hindi sila magandahan at ma-sexy-han sa akin? Paano kung hindi din nila kaya ang presyo ko? Sabi ni Liway, makipagtawaran daw ako. Taasan ko daw ng two hundred thousand ang presyo ko. Hindi ko alam kung may papatos ba sa two hundred thousand. Pero sana, meron. Kailangan ko talaga ng malaking pera. Kinukuwenta ko mentally ang kailangan naming pera. Limang buwan na upa. Eighteen thousand. Utang ni Tatay kay Manong Pedring, twenty thousand. Yung nabaril ni Tatay, kulang 100 thousand. Piyansa pa ni Tatay. Kinalabit ako ni Liway. "Uy, Anong nangyayari sa'yo?" "Huh?" maang kong tanong. "Inunahan ka na," naiinis niyang sambit. "Kanina pa nakahinto sa tapat mo iyong sasakyan hindi mo nilapitan." Yamot niya akong tinignan. "Ano magba-back out ka na?" "Hindi. Napalalim lang ang iniisip ko," sagot ko naman. Wala naman akong planong mag-back out, e. Umiling siya. "Mag-focus ka. Ngumiti. At ayusin mo iyang tayo mo." Umayos ako ng tayo. Ginaya ko ang pose ng iba naming mga kasamahan. May huminto na isang SUV sa tapat ng kaibigan ni Liway. "Threesome?" tanong ng lalake. Napanganga ako at napatingin kay Liway. Ngumisi naman siya. Tinanguan ng babae ang isa niyang kasama. Pumasok sila sa sasakyan at umalis na. Grabe, hindi ako makapaniwala sa mundo na ginagalawan ni Liway. "Naranasan mo na iyon?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako ignorante sa ganitong bagay kaya alam ko kung ano iyong threesome na sinabi ng lalake.. "Oo naman. Foursome pa nga, e." Tumawa si Liway. Ngumuso naman ako at ilang saglit na namang natulala dahil sa lalim ng aking iniisipm Tinapik niya ako nang may humintong sasakyan sa tapat ko. Lumapit ako, kaso pagbaba ng bintana, nakita ko na sobrang tanda na nito. Umatras ako. Tinanggihan ko. Hindi na ako nakipagnegosasyon. Iyong babae na kasunod ko ang sumama. Goodluck sa kaniya. Natakot ako dahil sobrang tanda na niya. "Baka mamatay pa siya sa ibabaw ko," sabi ko kay Liway. Tumawa siya. "Kaya nga. Ayaw ko din kapag sobrang uugod-ugod na," sabi niya. "Mas okay kapag medyo bata pa." Tumango naman ako. "Kaya nga, e. Iyong kayang patirikin ang mga mata ko." Tumawa si Liway. "Now you're talking." Ilang sandali pa may kumuha na din kay Liway. Mukhang kilala niya ang lalake na sinamahan niya. "Magkano?" tanong ng sunod na huminto sa tapat ko. Lumapit ako nang makita ko na medyo bata pa. Tantya ko, nasa thirty years old lang ito. Kinapalan ko na talaga ang aking mukha. "Two hundred thousand," sabi ko na kinangiwi niya. "Virgin ako." "Sorry, ayaw ko sa virgin at walang kuwenta sa kama." Ano?! Halos umusok ang aking ilong sa kaniyang sinabi. Walang kuwenta? O baka hindi lang niya kaya ang halaga ko. Nawalan na ako ng pag-asa. Mag-iisang oras na akong nakatayo pero wala pa ding kumukuha sa akin. May isa kanina na nag-alok ng fifty thousand. Hindi ko pinatos. One time ko lang 'tong gagawin. Tama na iyong two hundred thousand sa isang gabi tapos kalilimutan ko ang lahat. May huminto ulit na sasakyan sa tapat ko. Tamad ko itong nilapitan. Nagbukas ang passenger seat pero hindi muna ako agad pumasok. Kailangan muna naming magkasundo sa presyo. Yumuko ako at sinilip ang driver. Napasinghap ako nang makita ang kaniyang mukha. Kuwatro, singko, sais, siyete! Ang guwapo guwapo niya! Ang macho-macho pa! "Hop in," tamad niyang utos. Tamad siyang tumingin sa akin nang hindi pa ako agad nakakilos. "Hindi ka ba puwede?" tanong niya ulit sa seryoso at masungit na tono. "Kaya mo ba ang presyo ko?" mapaglarong tanong ko naman. Ngumisi ako. Pagak siyang tumawa. "How much?" taas kilay niyang tanong. "Two hundred," nakangisi kong sagot. "One hundred, " tawad naman niya na kinanganga ko. Mukhang ito na ang hinihintay ko. Pero higher pa. "One hundred eighty," nakanguso kong sambit. Kinurap ko din ang mga mata ko. "One hundred five," hirit naman niya. "Virgin pa ako..." Nagtaas siya ng kilay saka ako pinasadahan ng tingin. "One hundred fifty," aniya. Napanganga na naman ako. "Papasukan na ng langaw ang bunganga mo. Sasama ka ba o hindi? You're wasting my time." Ang sungit, huh? "Heto na nga!" Sumakay ako at agad na din niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. Mabuti na lang at naging choosy ako kanina. Sabi ng kasama ko kanina puwede ko naman daw kitain ang one hundred fifty thousand. Sa tatlong lalake daw. Dios ko! Isang beses ko lang 'tong planong gawin! Kapag natapos ang problema ng pamilya namin, mamumuhunan ako sa negosyo. Mag-aaral ako at magtatrabaho sa opisina. Wala akong imik habang nasa biyahe kami. Ilang hotel na ang nadaanan namin pero tuloy-tuloy lang siya sa pagda-drive. Saan naman kaya niya ako planong dalhin? Ang lakas pa ng aircon ng kaniyang sasakyan. Giniginaw ako. "Isuot mo muna." Inabot niya sa akin ang kaniyang jacket. "S-Salamat. Malayo pa ba tayo?" "Malapit na." Ilang minuto pa ay niliko niya ang sasakyan. Hanggang sa ihinto niya ito sa tapat ng isang five star hotel. Taray! Ang yaman! May lumapit na valet at binigay niya dito ang kaniyang susi. Nauna na siyang naglakad papasok sa hotel. Nasa likod lang naman niya ako, nakasunod at bahagyang nakayuko ang ulo. "Good evening, Sir!" bati sa kaniya ng mga staff ng hotel. Hindi siya kumuha ng susi at nagdire-diretso siyang maglakad hanggang sa elevator. Dito kaya siya nakatira? Masungit na naman niya akong tiningnan nang hindi ako agad pumasok sa elevator. "Backing out?" Mapang-uyam niyang tanong. "Hindi, a..." nakanguso ko namang sagot. Pumasok na ako. At habang pataas nang pataas ang elevator, muli na namang bumalik ang matinding kaba sa aking dibdib. Parang lalabas na sa aking ribcage ang aking puso dahil sa lakas at bilis ng pagtibok nito. Sa pinakataas na palapag huminto ang elevator. Namangha ako nang makita ko ang napakalawak na salamin kung saan kita ang buong siyudad. Ang gandang pagmasdan ng city lights. Pumasok siya sa isang kuwarto. Sumunod naman ako. "Mauna ka ng maligo," utos niya. "Okay!" Pumasok ako sa loob ng malawak na banyo. Hinubad ko ang lahat ng aking suot bago tumayo sa ilalim ng dutsa. Hinagilap ko ang mga sabon at shampoo niya. Ang dami kaya nahirapan pa akong pumili kung alin ang gagamitin ko. Pinili ko na lang iyong may floral scent. Mabuti at may panghilod din na free ang hotel, ginamit ko sa aking katawan. Kinuskos ko ng mabuti ang aking balat. Sinigurado na matanggal ang lahat ng libag ko sa katawan. Ang linis-linis ng pakiramdam ko nang matapos akong maligo. Kumuha ako ng malinis na towel na nakatiklop sa cabinet na tabi ng sink. Pinunasan ko ang aking katawan bago pinulupot sa aking buhok. Sinuot ko ang puting roba bago ako lumabas ng banyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.1K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook