Chapter Eighty Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Nakaayos na ako. Gano'n din si Evan. Narito kami sa hotel room. Sa baba magaganap ang party. Matagumpay ang idinaos na pirmahan ng kontrata. Hinihintay na lang namin ang go signal para bumaba. "Misis," tawag ni Evan sa akin. Nilingon ko naman ito. Napangiti ito sa akin. "Sobrang ganda mo." Bulalas nito. Nitong mga nakaraang araw ay sobrang tahimik ni Evan. Napapansin ko na napapadalas din ang pagtulala nito. Kaya inalam ko kung ano na naman ang mga ganap sa kanila ni Gemma. Pine-pressure na ito ni Gemma na hiwalayan ako. May mga pagbabanta pa nga sa safety ko. Kaya siguro namromroblema na si Evan. "Thank you. Sobrang gwapo mo rin naman." Puri ko rito. Hindi rin naman maitatanggi na magandang lalaki ito. Papasa