Chapter Sixty-six "Gemma, close ba si Governor Rosales at ang mga Ybañez?" nakatabi na naman ako sa bintana. Nakikinig nang palihim. Magka-video call ang dalawa habang nasa balcony si Evan. "I don't really know, Evan. Nagulat na lang ako pag-uwi dahil may bisita kami. Mukhang may malaking business na pinag-uusapan ang mga ito. Dito raw sila ngayon mag-stay sa house. Tapos bukas ay lilipat sila sa isang house ni governor." Tugon ni Gemma. "Magkasama si Governor Rosales at Kadynce kanina. Sa tingin mo kaya'y nakapagtanong si Kadynce sa kanya?" ani ni Evan. "I don't think so... okay naman si Nicholai. Kung nakapagtanong si Kady for sure pagdududahan na ako ni Nicholai. Pero wala naman. Sweet pa rin siya." Napabuntonghininga si Evan. "Mabuti naman." Tugon ni Evan. "Gemma, alam mo nama