Chapter Eleven "Mag-apply ka kapag rest day ko para masamahan kita." Offer ni Evan sa akin. "Ako na ang bahala, Evan. I can manage." Tugon ko rito. Ilang araw ko na itong binibigyan ng cold treatment. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. "Misis, I'm sorry. Huwag ka nang magalit sa akin. Hindi ko na lang talaga alam kung paano ko iha-handle ang pagod ko." Nagpumiglas ako. Saka ko ito hinarap. "Evan, mag-set ka rin naman kasi ng boundaries sa family mo. Matuto ka ring tumanggi sa mga hinihiling nila sa 'yo. Palagi mong reason iyang pagod ka... paanong hindi ka mapapagod? Dalawang pamilya ang kailangan mong buhayin. Iyong atin at iyong sa kanila. Kailangan mong kumayod nang kumayod dahil nakaasa silang lahat sa 'yo. Evan, pinapatay mo ang sarili mo sa pagod... at unti-unti mo ring pinap