Chapter Twenty "Ingat." Ibang sasakyan ang gamit namin nang ihatid ako sa terminal. Iyon din ang susundo sa akin sa Claverra Corp. everyday. Kaya naman ginamit na ngayon para maging pamilyar daw ako. "Salamat po, governor." Bahagya pa akong yumukod bago tuluyang umalis at tinungo ang bus. Hindi pa sila agad umalis, hinintay pa akong makasakay. Nang nakaupo na ako sa bus ay sumilip pa ako sa bintana at kumaway sa kanila. Bumusina lang si Kygan bago umusad ang bus. Nang umayos ako ng upo ay umusad na rin naman ang bus na sinakyan ko. Medyo napagod din ako sa unang araw ng trabaho ko. Pero alam ko sa sarili ko na productive ako ngayon. Mabait talaga si governor. Hindi man buong araw na kasama ay nakausap ko naman ito at nakapalitan ng opinion sa mga proposals na nakatambak. Nang nakarati