Chapter Seventy-five Parang sira na ang mood ni Gemma. Hindi na ito makangiti kahit pa anong biro ng mga friend niya sa kanya. "What's wrong, Gemma?" ako na ang nagtanong dahil abala sa pamimili ang mga kaibigan nito. "Wala, Kadynce. Nakaramdam lang ako bigla ng pagod." "Ha? Kaunti pa lang ang napamili natin tapos pagod ka na? Come on, Gemma. Mamili ka... anything... I'll pay for it." Iniangat ko pa ang black card ko. "No. May pera ako, Kadynce. Nawala lang talaga ako sa mood." Saka gumawi ang tingin nito sa singsing ko. "Where did you get that? Sinong governor ang nagbigay sa 'yo n'yan?" "Governor? Gemma, hindi mo ba alam na pwedeng mabilis ang singsing na ito ng kahit na sinong may afford dito? Hindi lang governor---" "Magkakaibigan ang may-ari ng collection kung saan kasam