Chapter Twenty-eight "Putangina naman, Evan! Wala nang direction ang lahat ng ito. Kung hindi mo titigilan ang pagsunod sa mga walang kwentang luho ng pamilya mo ay tiyak na ikamamatay mo na iyan. Hindi mo kayang maghulugan ng sasakyan. Bakit ka pumayag sa pamilya mo?" frustrated na ani ko sa asawa nang tumawag ito sa akin. "Kadynce, kailangan nila iyon." Mahinahong ani ni Evan sa akin. "Pinagbigyan ko na. Alam kong hindi magiging madali iyon pero may increase naman sa sahod ko. Kakayanin ko ang buwan-buwan na hulog." "Kakayanin mo? Pero nangungutang ka ng 20k? Nagpapatawa ka ba, Evan?" pikong tanong ko. "No, misis. Hindi ako nagpapatawa rito. Hanggat kaya ko ay ibibigay ko ang pangangailangan nila. Pamilya ko ang pinag-uusapan natin dito, misis. Hindi sila ibang tao sa 'yo, lalo na