Chapter Thirty Abala ako sa kusina nang narinig ko ang tinig ni Nanay Eleya sa labas. 6 pm na pero nakuha pa nitong magpunta rito. Kaya naman pinatay ko na muna ang kalan at lumabas ako. Inabutan kong sinisipat ng mga ito ang sasakyan kong nakaparada. "Kady, sa 'yo ito?" excited na ani ni nanay. Kasama nito si Erina at Rou. Nasa labas nakaparada ang kotseng kinuha ng asawa ko para sa kanila. "Yes po." Pormal ang expression na tugon ko rito. "Ate Kady, milyon ang halaga nito. Hulugan din ba ito?" si Erina na lumapit sa akin at kumapit pa sa braso ko. "Ang ganda, ate! Napakaangas po. Pwede ba akong mag-picture rito? Ang ganda!" bahagya pa akong nayugyog dahil sa excitement nito. "Ate Kady, si Kuya rin ba ang namili nito? Bakit hindi ganito ang kinuha niya para sa amin?" "Kady, bago