Chapter Eight "Misis!" ngiting-ngiti na bungad ni Evan sa akin. "Pasalubong ko sa 'yo. Favorite mo ito, 'di ba?" Nang tignan ko ang pasalubong na dala nito ay nakita kong mais iyon pero hindi inihaw. I don't know kung ano ang tawag sa pagkain na iyon. May cheese power at kaunting sabaw. Hindi pa rin niya alam ang favorite ko. Habang si Governor Rosales, pagdating sa mga gano'n detalye ay hindi nakakalimot. "Salamat." Tipid na ani ko at tinanggap ko iyon. Hindi ako kumakain no'n. Pero nag-effort pa rin naman ito. "Hindi mo gusto?" takang ani nito nang na-obserbahan niya ang reaction ko. "Evan, alam mo ba kung ano ang favorite ko?" inilapag ko sa table ang pasalubong niya. "Okay lang sa akin na bilhan mo ako ng kahit na ano. Maa-appreciate ko kahit ano pa... pero iyong sabihin mon