Chapter Thirty-eight Napasimangot ako pagpasok ko ng bahay. Inabutan ko kasing pulang-pula ang mukha ng gobernador habang nagpipigil nang tawa. For sure narinig nito ang lahat ng mga sinabi ni Manang sa akin. "Stop!" ani ko rito saka ko in-lock ang pinto. "I'm so stress right now, N-icholai. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala kay Manang." "Relax. Mukhang seryoso naman siya sa mga sinabi niya." Natawa itong muli. "Mahirap magtiwala sa matandang iyan, Governor Rosales. Hindi man niya nakita ang mukha mo pero alam naman niyang may lalaki akong dinala rito. For makararating agad sa pamilya ni Evan ito." "Nagsisisi ka na ba?" biglang sumeryoso ang tinig ng lalaki. Alam ko ang sagot na nais marinig ng lalaki kaya walang pag-aalinlangan na ibinigay ko iyon dito. "No, governor.