Chapter Ninety-one Nagdesisyon akong umuwi na muna. Dalawang oras na simula no'ng umalis si governor. Nagsabi ito na nagkausap na sila ni Gemma. Pumunta talaga sa office ang babae. Palabas na ako ng rest house ng may matandang biglang bumungad sa gate. Medyo nagulat ako pero hindi ko iyon ipinahalata. Hindi nito ipinasok ang sasakyan niya, siya lang talaga ang pumasok. "Let's talk," Mr. Nunezal said. Ito iyong taong tumatawag sa akin. For sure siya iyon. Ngunit kahit may kaba ay umakto pa rin akong compose. Pumasok kami sa loob at pumwesto sa couch. "Yes, Mr. Nunezal?" ani ko rito. "Hinarap kita ngayon dahil mukhang hindi effective ang phone calls sa 'yo, hija. Iwan mo si Nicholai. Itigil ninyo ang relasyon ninyo," seryosong utos nito sa akin. "Kaya mo naman pala akong harapin