Chapter Eighty-seven "Kung ako ang tatanungin mo ay makikiusap akong huwag na munang kumalat ito. Kaunting time pa ang hihingin ko." Seryosong ani ni Governor Rosales na katabi ko sa backseat ng sasakyan ko. Hawak nito ang kamay ko at panaka-nakang hinahalikan iyon. Pagkatapos nang gulo sa bahay ay kinuha ko lang ang susi ng sasakyan ko at umalis ako. Sinubukan akong pigilan ni Evan pero makatikim lang ulit ito ng sampal. Naroon pa si Gemma. Naiwan sa bahay. Nagpapa-baby kay Evan. Katatapos lang din naming pakinggan ang usapan ng mga ito. Nakaisip agad si Gemma ng way para patahimikin ako. Tatakunin daw nila ako. Pagbabantaan para manahimik. I'm not scared. Pero ngayong nakikiusap si Governor... pwede naman akong umarteng takot. Pwedeng umarteng pumapayag sa mga gusto nila. Kung m