bc

The Flaming Blades-Apollo

book_age16+
1.4K
FOLLOW
3.0K
READ
reincarnation/transmigration
powerful
bxg
deity
mythology
magical world
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

Sheilla Ann Marie or Sam is a mortal woman who went to London together with her friends to follow Michelle on her mission. Like Mitch, she's also one of the spy members of a secret organization and one of the rulers on it was Apollo. Hindi lubos makapaniwala ang dalaga sa mga natuklasan niya mula nang mapadpad sila sa bansang London kasama ang iba pang mga kaibigan. And she finally meets Apollo. Ang binatang imortal na pag-aalalayan niya ng mahiwagang katana at noong una pa lang ay sinusungitan na siya sa hindi malamang dahilan. Subalit sa kabila ng mga ugaling pinakita nito sa kanya ay lagi naroon ang binata lalo na kapag nasa panganib siya. He always wanted to protect her every moment when she's getting into imminence.

Paano kung matuklasan niyang may kaugnayan siya sa binata dalawang taon na ang nakalilipas?

Paano rin niya tatanggapin ang kanilang tadhanang minsan na pala niyang tinalikuran?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Sam and her new mission
Napabalikwas si Sam sa kanyang kama nang marinig ang tunog ng cellphone niya na nasa side table. Mabilis niyang dinampot ito kahit na napapapikit pa siyang tingnan ang caller sa screen ngunit malabo. Inaantok at pagod pa siya dahil madaling araw na siyang nakauwi. Sinagot na lamang niya ito kahit wala pa siya sa wisyo. "H-hello?" "Sam!" "Y-yes," napakunot-noo siya. Pamilyar sa kanya ang boses ng babae sa kabilang linya. Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa tenga at mariin siyang nakatitig sa screen. She's late to realize who's her wake up call. It was her friend and co-spy named Po. Muli niyang ibinalik ang cellphone sa kanyang tenga. "Po? Bakit ka napatawag?" "We have an urgent meeting today. Pumunta ka na dito sa condo ni Miss Jow!" "O-okay. Wait for me after an hour. Ayusin ko muna ang sarili ko." "Sige. Asahan ka namin. Papunta na din ang iba pa dito." "Copy," sabay pinindot na niya ang end call button. Napahilamos siya sa mukha upang magising ang kanyang diwa. Wala siyang magawa kung hindi sumunod sa kaibigan. Tuluyan na siyang bumangon upang maligo at makapag-ayos. Si Sheilla Ann Marie Bertos or Sam ay isa sa mga miyembro ng organisasyon ng mga spy na binabayaran upang mangalap ng impormasyon sa iba't ibang klaseng bansa na nagtatago ng mga sekretong hindi naaayon sa pagpapatakbo nito. Mga malalaking tao o may sinasabi sa lipunan ang mga nag-uutos sa kanila at lingid sa lahat ang kanilang pagkakakilanlan. Hindi rin alam ng pamilya niya ang klase ng trabaho na mayroon siya. Ang alam lang ng mga ito ay isa siyang empleyado ng Department of Agriculture sa La Union. Bukod pa roon ay isa rin siyang vocalist ng banda sa isang christian church dito sa San Mateo, Rizal kung saan siya nakatira ngayon. Pagbaba niya sa kusina ay naghanda na ang bunso nilang kapatid ng kanilang almusal. Wala ang kanilang ina at naiwan ito sa La Union. Ang kanyang ama naman ay nasa Davao at naroon ang trabaho nito. Ayaw na nga niyang magtrabaho ang mga ito dahil sapat naman ang kinikita niya ngunit sadyang matitigas ang ulo ng mga ito. Tatlo silang magkakapatid at siya lamang ang nag-iisang babae. Pangalawa siya at ang panganay nila ay may computer shop sa tabi ng kanilang bahay at malimit lang silang magtagpo dahil na rin sa ito na ang nagbabantay roon. Minsan pa nga ay siya na ang nagpapakita rito upang magkausap lang sila. Ang bunso naman nila ay nasa kolehiyo na at malapit na ring magtapos sa pag-aaral. "Ate, mag-almusal ka muna. May ginawa akong tocilog saka nagtimpla na rin ako ng kape mo." Hinila niya ng bahagya ang upuan saka inilapag doon ang sling bag niya. Nagtungo siya sa ref at binuksan ito. Kumuha siya ng isang pitsel ng tubig at baso saka nagsalin roon at uminom. "Hindi na, Jun. Kailangan kong mag-report sa head office ng DA," pagsisinungaling niya saka inilapag niya ang pitsel at baso sa mesa. "Sige na ate. Madaling araw ka ng nakauwi at kailangan mong kumain. Sayang at masarap pa naman sana ang pagkakaluto ko sa tocilog." "Hulaan ko, may kailangan ka ano?" "Ah," napakamot ito sa ulo. Napapailing siya saka ngumiti. Alam niyang sa tuwing may kailangan ang kapatid niya ay ibang-iba ang kilos nito kumpara sa natural. Though, her brother is always preparing a breakfast meal whenever she's got home. "Alam ko na iyan. Magkano ba?" "Dalawang-libo lang, ate. K-kailangan ko lang sa project ko. Hindi pa kasi nakakapagpadala si nanay ng pera." "Oh, heto. Sapat na ba ito," sabay inilahad niya ang pera. Bahagyang nagniningning ang mga mata ng kanyang kapatid sa nakitang limang pirasong isanlibo. Napangiti ito saka kinuha naman ang pera mula sa kanya. "Ate, sobra-sobra naman ito. Pero salamat at may pandagdag pa ako sa allowance ko." "Basta ipangako mo sa ate na mag-aaral ka ng mabuti. Iwasan mo muna ang paghahanap ng jowa! Aral ka muna, jusko!" "Opo!" "Oh siya, aalis na ako at baka traffic na naman sa bayan. Ikaw na lang muna ang kumain niyang inihanda mo at hindi na kaya ng oras ko," kinuha na niya ang sling bag saka tumalikod at naglakad palabas. "Ingat po!" Narinig na lamang niya ang huling sinabi ng kapatid saka kumaway na lang siya ngunit hindi na ito nilingon pa. Mula sa kanilang tinitirhan ay maglalakad siya pababa. Nasa mataas na bahagi ang kinatitirikan nito kasama pa ng iba pang mga kabahayan. May naipundar naman siyang bagong bahay sa isang exclusive subdivision subalit inaayos na lamang ang papeles bago sila lumipat. Pagkababa niya ay lalakad lang siya saglit upang makarating sa parking lot sa bakanteng lote. Ilang minuto pa ay sumampa na siya sa kanyang sasakyan at nagmaneho na paalis. Pagdating niya sa lokasyon ay dali-dali na siyang nag-park sa loob ng isang condominium sa BGC. Pagkababa niya ay diritso na siya sa elevator na sakto namang siya lang mag-isa. Ano na naman kayang misyon ang ibibigay sa amin? Kakatapos ko lang sa isa pa tapos mayroon na naman. Hindi bale. Makakapag-ipon pa ako para sa bagong negosyong ibibigay ko kina nanay. Pagdating niya sa 18th floor ay hinanap niya agad ang room number ng unit ni Miss Jow. Hindi naman siya bago roon ngunit kailangan niyang magkunwaring walang alam para na rin sa kaligtasan niya. Nag-iingat lang siya at baka masundan siya ng kung sinong poncio pilato. She need to be aware and always keep her eyes on three hundred sixty degrees. When she found the unit, she pushes the door bell. Sakto namang ang kaibigan niyang si Po ang nagbukas ng pinto at agad siyang pinapasok sa loob. Pagkapasok niya ay kumpleto na ang kanyang mga kasama at siya na lang ang hinihintay. "Pasensiya na po at late ako. Medyo traffic." "It's okay, Sam. You can find your own comfortable seat. Medyo hindi pa ako nag-aayos ng unit ko," tugon ni Miss Jow sa kanya. Kumaway lang siya sa mga kasamahan na tahimik na naroon at kanya-kanyang nagsiupo sa malawak na sofa. Nagsimula na ring mag-discuss si Miss Jow sa harapan. May table rin roon kung saan nakapatong ang isang laptop at mga cellphones. Wala ang isa nilang team leader na si Miss NC at napag-alaman niyang nasa ibang bansa ito. Bakit kaya seryoso ang mga ito? Hindi ako sanay. Sanay ako sa kaingayan namin at nakabibingi ang katahimikan. Nakakapagtaka. "Okay. Let's discuss about Michelle's mission at Green Valley. Ipinapaalam ko sa inyo na aborted ang misyon niya at slam ko ang iba sa inyo ay alam na ang tungkol dito." Mission aborted? Paano? Ngayon lang niya nalaman ito marahil ay kakabalik lang niya at wala pa siyang update na nakukuha mula kay Po. Ang kaibigan niyang Intel Agent nila. "Ipinasa na ng head ng organisasyon sa London ang misyon sa ibang grupo sa paghuli sa isang drug syndicate na si Uzik Umerged. Ipinaalam na lang ni Aphrodite na mananatili muna si Michelle roon hanggang sa siya ay payagan ng makabalik rito. Pero hindi ako kumbinsido. Pakiramdan namin ay may kakaibang nangyari roon. Since, katatapos lang ng inyong mga misyon ay ipapadala ko kayo sa London." "Miss Jow, bakit hindi natin direktang tawagan si Michelle? Baka kung ano na nangyari sa kanya doon," si Jona. "We already did that, Jona. Ako na mismo ang tumawag kay Michelle pero kahit ako hindi rin kumbinsido na okay siya. Ayon rin sa informant ni Miss Jow ay nasa isang mansiyon raw si Michelle inilipat dahil iyong unang villa na kung saan siya nag-stay ay may umatake raw dito." "Baka naman ay tauhan ni Uzik ang umatake," singit niya. "It's not ordinary people as informant said," dugtong ni Miss Jow. "Hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan pero kakaiba ang mga umatake sa kanya roon. Try to watch this cctv. Saka kayo mag-conclude kung anong klaseng mga tao iyan," iniharap ni Miss Jow ang laptop sa kanila at nag-play ang video roon. Mataman siya at ang kasamahan niyang nanood sa video. Nanlaki ang mga mata nila pare-pareho nang makita si Michelle na nakikipaglaban sa mga taong kulay itim ang kasuotan at nang humandusay ang dalawang ito ay unti-unting sumabog ang mga ito sa kawalan. Shocks! Alien? Kahit siya ay nabigla at nagulat rin sa napanood. Hindi nila lubos akalain na makakasagupa ni Michelle ang mga kakaibang nilalang na ito. "Are they vampires? Naisip ko lang. Uso pa man din ang mga may pangil sa UK. At maaaring nasa panganib nga si Michelle. Kailangan na natin siyang puntahan," si Lea. "Lea, it's only a myth. Wala naman katotohanan ang mga iyan. Milenyal world na ito at malamang mga cyborg iyan na pakawala ng grupo ni Uzik," si Jingky. Napabuntong-hininga si Miss Jow at muling hinarap sa direksiyon niya ang laptop na pinapanood sa kanila kanina. "Anuman ang rason, iyon ang dapat niyong alamin. Bukas na bukas din ay lilipad kayo patungong UK. Magpapanggap kayong bakasyunista at mananatili sa GV Hotel pansamantala. I already prepared your itinerary and your visa. Girls, tandaan niyo bakasyunista kayo at gusto kong alamin niyo rin ang tunay na nangyari sa misyon ni Michelle. Understood?" "Yes, Miss Jow!" Sabay-sabay nilang tugon. Pagkatapos ng kanilang meeting ay nagkanya-kanya na ang kanilang grupo at umuwi na upang maghanda. Habang nagmamaneho siya ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang biglaang pagsabog ng katawan ng mga taong sumugod sa kaibigan. Imposible talagang mga cyborg sila. Eh di dapat sana ay may nakakalat na pira-pirasong mga metal sa paligid ngunit wala. They burst into tiny pieces and disappeared! Parang nanonood ako ng action movie. Are they zombie? Hay, jusko naman! Mabubuang na ako sa kaka-analyze. Sumandal siya pandalian sa headboard ng kanyang inuupuan sa driver's seat habang binabagtas ang kahabaan ng c-5. Gusto lang niyang maging relax siya dahil may namumuong kirot na sa kanyang sentido. Sakto namang nakahinto siya dahil sa red signal ng traffic light sa may bandang ugong. Twenty years old lang si Sam at sumabak agad sa training bilang isang spy. Kasama niya ang mga kaibigan noon na ka-grupo na niya ngayon na sumuong sa delikadong trabaho. Akala niya noon ay simpleng spy lang ang gagampanan nila subalit na-realize nilang hindi pala ito basta-bastang misyon lang. Nasilaw sila sa kikitain nila kumpara sa kung papasok sila sa isang kumpanya. Frontline lang niya ang pagiging empleyado ng DA na hawak rin ng organisasyon nila kaya siya napadpad ng La Union. At ngayon, bente singko anyos na siya at patuloy pa rin sasabak sa masalimuot nilang mundo. Naamlipungatan siya nang marinig ang busina sa likuran ng mga kasunod na sasakyan. Shit! Nakaidlip ako! Mabuti na lamang at segundo lang pagitan ng pagkaidlip niya kung hindi huli na sana siya. Mabilis siyang nag-kambiyo nang mag-green light na saka inapakan ang silinyador at pinaharurot ang sasakyan. Mabuti na lang at malayo na ang mga sasakyan sa unahan niya. Sam, kalma ka lang! Madidisgrasya ka ng wala sa oras. Pinagalitan pa niya ang sarili. Tatlong oras bago siya nakauwi ng San Mateo dahil sa rush hour. Sobrang sikip na ang daloy ng trapiko at kailangan na niyang makarating sa kanila. Tulad ng dati kapag may misyon siya ay magdadahilan na naman siya sa kanyang mga kapatid. Pagka-park niya ay dali-dali na siyang naglakad paakyat. Pagdating naman ng bahay nila ay dumiritso agad siya sa kanyang kwarto. Hindi na niya napansin ang kapatid niya at baka pumasok na sa skwela. Sakto namang hindi pa siya nakapagligpit ng mga gamit at iyon na lamang ang dadalhin niya papuntang ibang bansa. Pagbukas niya sa drawer ay may napansin siyang kakaiba. Isang bagay na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso. What's this? Kinuha niya ang isang kulay berdeng tsuka o handle ng katana. Wala itong blade na kasama at naalala niyang regalo ito ng isang kaibigan. Isang souvenir dahil mahilig ang kaibigan niyang iyon ng mga antigong bagay. Naalala niya ang sinabi nito. Sam, ingatan mo iyan. Sabi ng matandang pinagbilhan ko niyan ay iyan daw ang magdadala ng swerte sa ating lahat. Dalhin mo lang kung saan ka mapadpad. Lucky charm kumbaga. Lucky charm? Pambihira talaga siya. Napapailing na lang siya nang maalala iyon. Pero walang masama kung maniwala. Ewan ba niya at kasama niyang ipinasok sa maleta ang bagay na iyon. Hindi naman siya naniniwala sa mga lucky charm dahil ang swerte ay nasa pagsisikap ng tao ngunit tila may nag-udyok sa kanyang dalhin iyon. "Aalis ka na naman? Kararating mo lang." Napalingon siya sa pintuan ng kanyang kwarto. Naroon ang kuya niyang si Sonny nakatayo at nakapamulsa. Mataman siyang pinagmamasdan nito. "Ikaw pala iyan. Kailangan kong umalis agad dahil may urgent sa office. They need me there. Saka mag-isa lang si nanay sa tinutuluyan namin. Ikaw na muna ang bahala dito, kuya. Just tell me if you need anything." "Kailan ba mabubuo ang pamilya natin, Sam? Si tatay nasa Davao, si nanay kasama mo sa La Union, kami ni Jun ay nandito. Hindi naman tayo pamilyang watak-watak pero pakiramdam ko ganoon na rin." "Kuya naman, kailangan mo pa bang mag-drama kung kailan aalis ako bukas? Hayaan mo at pagbalik ko ay magkakasama na tayo." "Bakit parang pakiramdam ko matagal ka pang babalik? Sorry, I'm weird today. Kakalaro ko siguro ito ng dota sa computer shop," napakamot ito sa ulo. "Oh siya, huwag mo na akong pansinin. Dito kana mag-dinner at magluluto ako ng sinigang." "Ay, gusto ko iyan! Na-miss ko na ang maasim-asim mong sinigang," biro niya. "Sinigang nga eh. Saan ka ba nakatikim ng sinigang na lasang adobo? Sige na nga. Bababa na ako at ng makapamili ng lulutuin." Natawa na lamang siya saka sinundan niya ng tingin ang nakatatandang kapatid. Subalit, saglit lamang ang kasiyahan na iyon sa mga labi niya. Pakiwari niya ay matagal na naman niyang hindi makasama ang mga ito. This time, sobrang kakaibang feeling na hindi tulad noong umaalis siya. Nagpakawala na lamang siya ng isang buntong-hininga at itinuong muli ang sarili sa pag-aayos.. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CLOSER

read
141.6K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Reckless Hearts

read
256.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook