BERNADETTE Nagmumog ako at ibinalik ang toothbrush ko sa lalagyan niyon. "Kailangan kong mag-shower." Naligo na ako bago ako matulog, pero madumi na ulit ang pakiramdam ko ngayon. Nakadikit sa balat ko ang malamig na pawis, at kapag pumipikit ako, naaamoy ko siya--si Sandro--sa sarili ko. Binuksan ni Sandro ang tubig, pagkatapos ay nagsimulang maghubad. Salamat at na-distract niya ako, ng katawan niyang biyaya sa paningin. Matigas ang kanyang mga kalamnan, parang inukit, hindi namumutok ang muscles pero matipuno at elegante. Iniwan ko ang mga damit ko kung saan nahulog ang mga iyon at umuungol na tumapat sa ilalim ng ulan ng mainit na tubig. Pumasok siya sa stall at pumuwesto sa likuran ko, inipon sa isang tabi ang buhok ko at hinalikan ang balikat ko. "Kumusta ka na?" "Mas mabuti

