Kabanata 1

977 Words
Zierra's P O V Napatigil subo nalang ako nang marinig ang isang malakas na tunog ng school bell. Nako naman! Hindi pa ako tapos kumain eh! Dali dali nalang akong tumayo sa kinauupuan ko at agad nang tumakbo papuntang paaralan. Mga ilang milya din ang layo ng paaralan ko sa pinagkainan ko ngayon. Halos maubusan na ako ng hininga sa kakatakbo papuntang school. Next time? Sa canteen nalang talaga ako kakain. Eh? Ewan ko ba? Dito ko pa nasanayang kumain tuwing tanghali eh. Bigla nalang akong napaupo nang makita ang isang kotseng papalapit sakin. Aba? Papatayin ako neto ah? "Hoy! Ano ba! Papatayin mo ba ako ha? " sigaw ko sa kotse na ngayo'y nakaparada na sa tabi ng daan. Para akong baliw dito sa tapat ng itim na kotse na walang pumapansin. Aba? Ginagalit ako ah? "Hoy!" Sigaw ko. Pero hindi parin ako pinansin. Ah? Ayaw mong lumabas ah? Tinadyakan ko nalang ang pintuan ng kotse at dala narin siguro ng galit ko ay di pa ako nakuntento at binato ko pa ito. Patay. Napakagat labi nalang ako nang dahan dahang lumabas ang lalaking nagmamaneho ng kotse. Naka short ito at kulay itim ang damit. Damn! Lagot ako nito! "Look what you have done!" Wika niya habang tinitignan ang gas gas ng kotse niya dahilan ng pagbato ko dito. " kulang pa yan no! Muntik mo na akong masagasaan! " sigaw ko. Nagawa pa talaga niyang magalit sa kabila ng kasalanan niya sa akin ah? Nako! Nanggigigil ako eh! "Miss. Nakita mo naman siguro kung gaano ka kintab ang kotse ko diba? Eh? Ikaw? Mas mahal ang kotse ko kaysa sa'yo. Kaya bayaran mo ang kasalanang nagawa mo" tugon niya. Aba? Walangya! Nakuha pa niyang e kumpara ako sa kotse niya? At ano raw sabi niya? Wala akong silbi? Aba? Di pwede to! "Hoy! For your info kumag na lalaki, ano ang sabi mo? Paki ulit nga?" Wika ko. Ilang sandali nalang talaga at sasabog na ako dito. "Sabi ko, bayaran mo ang damage ng kotse ko" paulit niyang tugon.. Akmang sasampalin ko na sana siya nang pinigilan niya ang kamay ko. "Miss. Mas mabuting sa presinto na tayo magaaway" wika niya habang hinihila ako paasok ng kotse. Aba? Loko to ah? Late na nga ako sa klase ko eh! Tas dadalhin niya pa ako sa presinto? This can't be! "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit kong makawala sa hawak niya pero hello? Lalaki parin ang kumag na ito no. "Sumama kana" tugon niya habang patuloy sa paghila sakin. Ayaw mo akong bitawan ah? Pwes! "Help! Help! Manyakis! Tulong magagahasa ako!" Sigaw ko na dahilan nang pagtingin sa'min ng mga tao sa paligid. Agad niyang tinakpan ang mga bibig ko at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Ngayon, nakita ko na ng malapitan ang mukha niya. "Ano ba ang pinagsasasabi mo ha? Ayaw kong makulong ng walang kasalanan" bulong niya sakin, napangiti naman ako nang marinig iyon. Duwag! "Kung ayaw mo, edi bitawan mo ako!" Wika ko. Hinihintay kong bitawan niya ako ngunit nanatili parin itong nakayakap sakin. Aba? Loko to ah? Gusto mo pa talaga ng pangalawang sigaw ah? Pwes. "Tul- - -" hindi na ako nakapagsalita ng tuluyan at agad na niya akong binitawan. Iyon naman pala eh. Agad na akong tumakbo papuntang school at iniwan ang lalaking iyon. Loko siya? Gas gas lang babayaran ko pa? Bago ako makalayo sa paningin niya ay humarap muna ako sa kinaroroonan niya. "Salamat! Ipapaayos mo yan ha?" Sigaw ko tsaka tuluyan na akong pumasok sa paaralan namin. Sobrang late ko na pala. Lagot ako nito. Bahala siya sa buhay niya. Natawa nalang ako nang maalala ang kalokohang ginawa ko kanina. Talaga bang nagawa ko 'yon? Pero dapat lang 'yon sa lalaking kumag na iyon. Dapat lang sa kanya 'yon. Eh? Ni paghingi nga lang ng sorry sakin di niya nagawa eh! Papasok na sana ako sa room nang bigla akong harangin ng prof namin. Lagot. "What time are we now miss Althea?" Masunget na tugon ni prof. Anong oras na ba? "Ahhhhm. 1:30 na po prof" mahinang tugon ko habang nakayuko nalang. Wala akong mukha na maipakita sa harap ng kaklase ko ngayon. With high honors pa naman ako. Eh? Hayop iyong lalaking iyon eh! Kung makita ko lang talaga yon? Nakooo! "At? Ano nga ulit ang klase natin?" Tanong ni prof. "1: 00 po" tugon ko. "So? Bakit ka na late?" Tanong ulit nito. 'Bat 'di ako na inform na nasali na pala ako sa Ms. Q&A ? bat hindi nalang niya ako papasukin ng tuluyan? "Sorry po prof" wika ko. Pinatuloy na niya ako sa wakas. Dahil ako ang nahuling pumasok. Sa likuran ang punta ko. Grrr. I hate sitting at the back. Biglang naputol ang discussion ni prof nang may biglang dumating at nakatayo sa pintuan. " ah! Oo nga pala class, you have a new classmate.." Wika pa ni prof, hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsusulat ng lectures. " he came from Dé Létché Unibérsidad" tugon ni prof. Nagpatuloy parin ako sa pagsusulat. Ganito ako. Paki ko ba sa new class mate ko? "His name is Cryzler Kiel" wika pa ni prof. Napatigil nalang ako sa pagsusulat nang mapansing naghiyawan ang mga classmate kong babae. Ano bang meron sa lalaking 'to at pinagguguluhan? Paki mo Thea? Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat na parang walang nangyari. Bakit? Meron ba? "Hi my name is Cryzler Kiel , Seventen Years Old" Napatingala nalang ako nang marinig ang boses na iyon. Pamilyar sakin ang tinig na 'yon ah? Agad ko itong tinanaw sa harap. Bigla nalang nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang isang gwapong lalaki na ngayo'y nakatayo sa harap ng klase. Nakangiti lang ito habang nakatingin sakin. Aba? Biglang uminit ang dugo ko nang mapagkaalamang . . . Whaaaaaaat the heeeeeeeck! CRYZLER KIEL ang pangalan nang lalaking nakaalitan ko kanina na ngayon naman ay new classmate ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD