Zierra's P O V Wala palang silbi ang hapon kong ito eh! Kanina, na kick out ako sa class, ngayon naman wala ang prof namin. Kairita diba? Sobra! Sana hindi nalang ako pumasok, edi sana hindi ako nagkasala sa taong iyon. Teka? Wala naman akong kasalanan ah? Wala! Habang naglalakad ako, bigla kong natanaw ang kumag na lalaking iyon na tumatakbo papalapit sa'kin. Ngunit napakunot noo ako nang mapansing may humahabol sa kanya. Ano nanaman kayang kahayupang ginawa ng lalaking 'to? Siguradong guguluhin nanaman ako neto. " miss!" Tugon nito. Sa bagay hindi pa naman niya ako kilala. Akmang iiwas sana ako at liliko sa ibang daan upang iwasan ang lalaking 'to ngunit bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at niyakap akong bigla. Takti! Anong ginagawa niya? "Ano nga pala ang pangalan mo?" Bulon