Zierra's P O V Pagkatapos naming malibot ang buong sulok ng bahay ay saktong nagdilim na kaya kailangan na naming bumalik sa kwarto na aming napili. Habang naglalakad kami patungo sa kwarto namin ay bigla naming nadaanan ang kwarto ng mga boys. Kapansin-pansing tahimik ito at tanging ilaw lang ng lampara ang lumilibot sa buong kwarto. Madiin namin itong sinilip at ninakawan ng tingin. Napangiti kami ng palihim nang makita kung ano ang ginagawa nila habang pinapalipas ang oras. Wow ha? Ngayon ko lang ata nakita ang ganitong pangyayari. Hindi ko alam na marunong din palang magbasa ng libro at mag review itong mga mokong. Mas natawa nalang ako nang maalala ang nagiisang rule na ginawa ko kanina. Kung may mga cellphone lang sana sila ay sana doon nakatutok ang buong atensyon nila. An