Zierra's P O V Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Six O'clock naba? Ang bilis naman! Walang gana akong bumangon sa kinahihigaan ko. Papasok kaya ako ngayon? Parang iba ata itong pakiramdam ko eh. Dumeretso na ako sa banyo upang maligo nalang. Muntik ko nang makalimutan na dapat agahan ko ang pagdating sa school ngayon, at sa ganoon ay maiwasan ko ang kumag na lalaking iyon. Baka kasi kapag pabagal-bagal ako ay baka makasabay ko nanaman ang taong iyon at baka malate nanaman ako sa first class ko. Haleeeer! Ayoko na kayang maulit pa ang nangyari sakin kahapon. Sit on the air? With matching books in the hands? No way! Nakakapagod kayang gawin 'yon. Dali dali nalang akong pumasok sa banyo at dinalian ang pagligo. Dapat double time ang kilos ko ngayon. Pagkatapos kong maligo