Zierra's P O V Ilang minuto pa ang nakalipas mula noong narinig ko ang sigaw mula sa labas ng bahay. Napabuntong hininga nalang ako at binaliwala nalang ang sigaw na iyon. Siguro'y parti lang iyon sa shoot ng movie. "Thea, patawarin mo sana ako sa nagawa kong iyon." tugon pa ni kiel. Yumuko nalang ako at pilit na binaliwala ang mga daldal niya. "Thea." tawag niya sa pangalan ko. Ang kulit din niya eh no? Napalingon ulit kami sa labas ng bahay ng sumigaw ulit, kung hindi ako magkakamali ay tinig ni Sarah iyon. Nanggaling ang boses na iyon sa labas at nasa gubat. Pangalawang beses na itong sumigaw kaya nagsimula nang tumakbo sa isip ko ang mabahala. Nang marinig namin ang pangatlong sigaw ay agad na kaming tumakbo ni kiel patungo sa labas ng bahay. Kung parti pa ito sa movie ay hindi g