Kabanata 5
Heartbeat
Pagdating namin sa bahay ay agad na lumabas si Sir at padabog niyang isinara ang pintuan.
Medyo nagulat ako 'don kaya agad na rin akong lumabas.
"Sir, teka lang po." Sabi ko habang hinahabol ko siya pero agad akong napahinto ng mapansin kong hindi pa pala tuyo ang damit ko.
"Ayyy" nagulat ako ng may nagtapon sa ulo ko ng isang towel at nakita kong si Sir ito.
"Take a shower now. Hindi pa 'ko tapos sayo kaya pumunta ka sa office ko mamaya." Galit nitong sabi kaya unti-unti akong tumango.
Agad itong tumalikod sa akin at napatulala nalang ako sa likod niya.
"He is like my brother." Bulong ko at agad kong binura 'yon sa isipan ko.
Tumakbo na ako papunta sa isang pintuan namin papasok sa bahay. Ayokong marumihan ang kanilang sahig kaya dito nalang ako dadaan.
Lumabas na ako sa banyo ng matapos na akong maligo.
Naabutan ko si ate na may kinukuha sa kwarto namin.
"Oh... Nandito ka na pala. Nagpa-ulan ka daw sabi ni Sir." Malungkot nitong sabi kaya naguluhan ako sa tuno ng pagsasalita niya. Bakit siya malungkot?
"Opo, bakit parang ang lungkot niyo po? May nangyari po ba?" Tanong ko dito at bumuntong-hininga itong umupo sa kama namin.
"Pinagalitan ako ni Sir." Nakayuko nitong sabi kaya nagulat ako sa sinabi nito.
"Ano pong sabi niyo? Bakit niya naman ginawa 'yon, wala ka namang ginawang masama." Natataranta kong sabi kaya malungkot na ngumiti sa akin si Ate.
"Wag mo ng isipin 'yon, okay lang sa akin." Pilit nitong ngiti at pumasok sa isip ko na baka pinagalitan ito dahil sa akin.
"I'm sorry ate! Ako ang may kasalanan kung bakit ka pinagalitan." Sambit ko at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Wala kang kasalanan dito, okay? Hindi na dapat kita pinapunta doon at ako na sana ang naghatid ng dokumento ni sir." Pahayag nito pero umiling-iling ako.
"Hindi po ate, ako po talaga ang may kasalanan." Pilit kong sabi at sumasakit ang dibdib ko kapag nasasaktan ang mga taong nakapaligid sa akin.
"Hays, okay lang sa akin 'yon. Wait, ba't ka nga ba nagpa-ulan? Alam mo bang magkakasakit ka?" Pag-iiba nito.
"Gusto ko lang pong subukan kasi nararamdaman kong masaya pong magpa-ulan." Nakangiti kong sambit.
"Ano ka ba, ngayon mo lang ba naranasang magpa-ulan? Grabe ka naman." Natatawa nitong sabi kaya sumeryoso ako.
"Opo, ngayon lang." Seryoso kong sabi kaya napatigil ito sa pagtawa.
"T-Totoo ba yan!? Ano bang pinag-gagawa mo nong bata ka?" Tanong nito kaya yumuko ako.
"Hindi kasi ako pinapayagan nila mom---" napatigil ako ng muntik na 'kong madulas sa sinasabi ko.
"Ano?" Tanong nito kaya tumingin ako kay aate
"Ayaw kasi nila nanay na magpa-ulan ako sa labas." Sabi ko at parang nawala yong kaba ko ng hindi ako mautal.
"Ah... Siguro, sobra silang maalaga sayo, tingnan mo nga yang kamay mo, ang kinis parang hindi sanay sa gawaing bahay." Natatawa nitong sabi kaya ngumiti ako ng pilit.
"A-Ah.. O-Opo..." Sabi ko.
"Hays, lumabas na nga tayo baka kailangan na tayo ni manang." Sabi ni Ate kaya tumango ako sa kanya at sumunod na rin sa kanya sa paglabas.
Nang makarating na kami sa kusina ay tumingin sa akin si manang.
"Azalea, pinapapunta ka ni Sir sa office niya. May sasabihin daw siya sayo." Sabi nito na nagpakaba sa akin.
"A-Ako po?" Kinakabahan kong tanong.
"Oo, pumunta ka na 'don baka may importanteng sasabihin." Sabi pa nito at umalis sa akin harapan upang ipagpatuloy ang pagluluto.
"Sige na, pumunta ka na 'don baka mapagalitan ka pa ni Sir pag hindi ka pumunta." Bulong sa akin ni ate kaya unti-unti akong tumango.
Naglakad na ako papunta sa office nito at ng makarating ay bumuntong hininga muna ako bago kumatok.
"Sir? Pinapatawag niyo daw po ako." Sabi ko at kumatok ako ng tatlong beses.
"Come in," rinig kong sabi nito kaya unti-unti ko itong binuksan.
Nakita ko agad siya na nakaupo sa kanyang office table at may inaasikasong mga papel.
Napaiwas ako ng tingin ng tumingin ito sa banda ko at tinigil na nito ang ginagawa.
"A-Ano pong kailangan niyo sa akin, Sir?" Kinakabahan kong sabi.
"Hmm.. Ms. Azalea, I'm very curious sa reaction mo kanina, are you sick or what?" Malamig nitong sabi na nagpakaba sa akin.
"A-Ano po? Hindi po, Sir. Nataranta lang po ako sa nakita ko kanina kaya ganon po." Matapang kong sabi kahit na nanginginig ang aking mga kamay ay pinilit kong patatagin ang loob ko para hindi ako mautal sa harapan niya.
"Is that so?" Malamig nitong sabi at parang hindi ito naniniwala.
"Opo, Sir." Matapang kong sabi pero parang hindi ito naniniwala.
"Hmm.. Sa bagay baka nag-iinarte ka lang? You are very good in acting, right?" Sabi nito na nagpa-inis sa akin. Anong ibig sabihin nito?
"Bakit po kayo ganyan sa akin, Sir? Wala naman akong ginagawang masama sainyo." Sambit ko at parang napupunit ang puso ko sa sinabi nito.
"You can go now, next time, wag ka ng pupunta sa office ko." Malamig nitong sabi kaya kahit nanghihina ang aking tuhod ay unti-unti na kong tumalikod sa kanya at lumabas sa office niya.
At sa paglabas ko ay doon bumuhos ang luhang pinipigilan ko. Bakit siya ganon? Wala namang akong kasalanan sa kanya eh.
May mali ba sa ginawa ko? O may mali ba sa sarili ko na ayaw niya?
Unang tapak ko palang dito sa mansyon niya ay alam ko na agad na ayaw niya sa akin pero naguguluhan ako kung bakit.
Hinawakan ko ang aking dibdib ng maramdamang hindi na ako makahinga.
Oh no, bakit ngayon pa? Dali-dali akong tumakbo sa kwarto namin at hinaluglog ko ang aking bagay para makuha ang inhaler ko.
Ito ang ayaw na ayaw kong mangyari habang nanatili ako sa mansyon na ito pati na rin yong nangyari kanina. Ayokong malaman nila ang sekreto ko dahil baka mapaalis pa ako dito.
"Azalea, nandyan ka ba sa kwarto?" Narinig kong tawag sa akin ni ate sa labas. Nataranta ako kaya agad kong tinago ang inhaler ko.
"Opo, ate!" Sambit ko.
"Bakit nakalock ang kwarto? Lumabas ka na, may ipapagawa sayo si manang." Sabi pa nito kaya agad agad akong pumunta sa pintuan at binuksan ito.
Ni-lock ko nga pala ang pintuan dahil baka biglang pumasok si ate.
"Pasensya na ate, nalock ko pala yong pintuan." Paumanhin ko.
"Okay lang pero sa susunod wag mo ng gagawin 'yon ha?" Sabi pa nito kaya tumango ako.
Sumabay na rin ako kay ate papunta sa sala dahil nandoon daw si manang.
"Azalea, ayusin mo 'tong mga display na ito at yong mga album ayusin mo rin ha.." Utos ni manang.
"Sige po," sabi ko at umalis na rin silang dalawa ni ate. May iba pa daw silang gagawin kaya iniwan na nila akong gawin ito.
Habang inaayos ko ang mga display ay may nakakuha ng atensyon ko.
Ang album.
Tumingin muna ako sa paligid kung may nakatingin at ng masigurong wala ay kinuha ko ito at umupo muna.
At sa pagbukas ko nito ay hindi nga ako nagkamali dahil si Sir agad ang nakita ko.
Napaka-cute nito nong bata pa pero ngayon hindi na ito cute kundi ang gwapo na niya.
Hindi ko maipagkakaila na gwapo talaga ito sa personal.
Hinaplos ko ang litrato nito at nagulat ako ng biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Anong ibig sabihin nito?