Sumasabay ang paghampas ni Vicky sa kaniyang katawan sa awiting pangsayaw na Macarena habang nasa harapan siya ng kaniyang mga estudyante. Nagsisigawan at nagsisitawanan ang kaniyang mga tinuturaang mag-aaral. Masaya si Vicky na ibahagi ang kaniyang kaalaman sa pagsasayaw dahil iyon lamang ang talento na alam niya. Isa siyang street dancer noong highschool siya at cheerleader noong college. Sayaw ang kaniyang paborito at mabilis siyang maka-pick up nang dance steps kahit pinapanuod lamang niya ito. "Grade three... handa na ba kayo? Walang tumatawa. May premyo ang mananalong grade at kailangan nating manalo," masayang aniya sa kaniyang mga estudyante. "Madam, ano po ang premyo?" tanong ni Alicia, isang siyam na taong gulang ba batang babae. Malusog ang pangangatawan nito at palaging inaa

