"Ihatid mo na si Vicky, Travis. Pupunta pa kasi akong mall para tumingin ng magandang regalo para sa mga beshies ko. Valentine's day bukas at gusto kong maging bongga ang araw na iyon. Pasensiya ka na pala kung nasabi ko kay Akiro ang tungkol sa iyo. Alam mo naman na boto ato sa TraVic love team na iyan. Kaya nasabi ko kay Akiro ang tungkol sa iyo. At hindi ko na iyon uulitin pa, pangako. Sorry talaga, ha?" seryosong sabi ni Suzi na nakatingin sa kaniyang mga mata. Sinuntok niya nang mahina ang braso nito. "Wala iyon pare. Huwag na sanang maulit lalo na sa mga taong hindi ninyo lubusang kilala. Maselan ang trabaho ko at ayokong madamay kayong dalawa." Nanlaki ang mga mata nito sabay hawak sa balikat nitong sinuntok niya. "Ouch! Hoy, hindi ako pare no! Hindi iyan katanggap-tanggap sa lahi

