Jasfer's concert is dated today. Maaga kaming nagising pareho ni Rowena. May pasok pa kasi siya at ako naman ay may lakad kami ni Kier ngayong lunch. Pale yellow romper shorts lang na short-sleeved at sneakers na white lang ang isinuot ko para sa concert ngayong gabi. Balak ko sana mag-dress kaso baka mailang akong gumalaw-galaw at hindi ko ma-enjoy ang concert sa pagiging conscious sa suot ko. Jeans won't do also, this is a special day for me, kaya nag-romper na lang ako. I french braided my hair. Nagsuot din ako ng tatlong beaded bracelets sa right wrist ko to achieve a boho-chic look. "Wow!" Rowena glared at me. "Bakit ang ganda mo, ha?" "Baliw," natatawang sabi ko at pabiro siyang inirapan. Ngumuso siya at kumuha ng larawan namin na magkasama. Kanina pa siya panay reklamo dahil