CHAPTER 8

2167 Words

DALAWANG LINGGO na ang nakalipas mula nang kunin ng isang TV Network ang aking sinulat na kuwento, hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung kailan ko makikita ang aktwal na kopya nito. Gustong-gusto ko nang ipagmalaki sa pamilya ko na magkakaroon na ako ng libro. Hindi pa rin kasi sila naniniwala sa akin hanggang ngayon. “Ate, pahingi ako ng pera pambayad sa ambagan namin sa school,” wika ni Harry. Dumukot ako sa bulsa ng shorts ko. “Oh, ito, sampung piso.” “Kulang ito pambayad. One hundred fifty pesos ang babayaran ko.” “Wala akong ganoong pera. Alam mo naman na binibigay ko lahat kay Nanay kapag may sideline akong trabaho.” “Wala si Nanay, paano ako makakahingi ng pambayad?” “Bukas ka na lang magbayad.” Napakamot siya sa ulo. “Last day na ngayon.” “Umutang ka muna kay Ali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD