CRAIG AKALA ko hindi na ako makakabalik pa kay Evannah. Bigla ang pangyayari at hindi ko inaasahan ang isang grupo ng assassin. Outnumber kami kaya at hindi ko maaaring pabayaan ang aking mga tauhan. “Boss, umalis ka na dito at kami na ang bahala sa kanila!” malakas ang boses ni Pareng Ezekiel. Ngunit hindi ko siya pinansin. Bagkus ay mabilis akong tumalon sabay tulak ko sa kanya. At ako ang nahagip ng samurai na dapat ay sa braso nito tatama. Ang huling narinig ko na lang ay ang magkakasunod na putok ng baril. Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito sa loob ng ospital. Kaninang nagising ako ay agad kong hinanap ang aking mga tauhan. Ngunit ang sabi ng male nurse na naka-assign sa akin ay dalawa sa mga yon ay namatay at malubha ang lagay ng iba. Nang makaalis ang nurse ay pinilit ko