CRAIG NAABUTAN namin si Daddy at ang babaeng sinasabing kakambal ko. Unang beses kong nakita na umiiyak ang aking ama. “Dad? Pag kuha ko sa atensyon niya. Agad naman lumingon sa akin at kinawayan akong lumapit. “Anak, halika sa wakas naririto na ang iyong kakambal.” agad kaming nagkatinginan ng aking kakambal at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang saya sa aking puso. Kahit napapa ngiwi ako sa sakit ng aking sugat ay agad akong lumapit sa kanila. Matiyaga namang nakaalalay sa aking si Evannah. “Maiwan ko muna kayong tatlo, Craig, Dad at sayo Dyosa ng Kagandahan. Naroon lang ako sa kusina at magpapa handa ng mga pagkain.” “Hija, maraming salamat at dinala mo dito si Nathalie.” “Walang anuman po, dad. Sige po doon muna ako sa kitchen.” “Okay, Hija.” nang tumalikod si Evannah ay agad k