KATRINA BALISA ako habang paalis si Eros, hindi ako mapalagay pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari sa gabing ito. “Manong Nardo!” malakas kong sigaw sa kanya ng makita ko siyang galing sa dining room. Sandaling pinabantayan ko si Aerol sa isang kasambahay dahil naglalaro pa siya at parang walang planong matulog. “Ma’am Katrina, ano po ang maipaglilingkod ko sayo?” “Nasaan ang mga trusted bodyguard ni Eros?” “Nasa quarters po, tawagin ko ba?” “Ibig mong sabihin ay umalis si Eros ng walang kasamang bodyguard?” “Opo, Ma’am Katrina, sabi niya ay sa mansyon daw ng lolo niya siya pupunta kaya no need ang kasama.” “Stay here, make sure na safe si Baby Aerol.” “Saan ka pupunta, Ma’am Katrina, baka biglang dumating si Sir Eros ay magalit yon.” “Pupuntahan ko siya dahil may pakiram