CRAIG HINDI ako mapalagay sa bawat ora na lumilipas parang may darating na panganib. Ayaw kong iwanan si Evannah ngunit kailangan dahil parte iyon ng aming plano. “Dad, kailan mo pa alam ang bagay na yon?” “Nang makita ko ang singsing ni Louella sa closet ng iyong mama. Kinuha ko yon at dinala sa ancestral house at doon itinago.” “Hindi ba siya nagtatanong sayo kung bakit hindi na niya makita ang singsing?” “Once, syempre hindi ko inamin.” “Ano po ang dahilan ni Mama bakit niya kinuha ang singsing na yon sa ina ni Evannah?” “Hindi niya matanggap na si Louella ang babaeng kaisa-isa kong minahal. Nalaman din niya na ang singsing na yon ay galing sa akin.” “A-Anong ibig mong sabihin dad?” “Yeah, dahil nakapag-propose na ako kay Louella. Ngunit pagkatapos ng engagement namin ay bigla