SPECIAL CHAPTER

1976 Words

EVANNAH and FRIENDS WELCOME party ang nagaganap sa Mansion Donovan. At imbitado ang lahat ng kaibigan ni Evannah. Kasama ang mga anak ng mga ito. Ang mga anak ng kapatid na si Eros ay alerto. At napapa iling na lamang si Evannah, dahil talagang naka gwardya sa nag-iisa niyang anak ang tatlong pamangkin. “Kumusta ang buhay England, mabuti at naisipan nyong bumalik dito sa atin?” wika ng kaibigan ko na si Dra. Pauline. “Gusto ng mga bata na dito nila gamitin ang kanilang propesyon. At alam mo naman na hindi ko kayang tanggihan ang gusto ng mga anak ko.” “Nasaan ba ang mga anak mo at wala man lang kaming kaalam-alam tungkol sa kanila?” muling tanong ni Dra. Pauline. “Halika ipakilala kita sa nag-iisa kong prinsesa at sa anak anakan kong si Ivann.” “Hindi ba at anak ni Eros si Ivann?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD