EVANNAH NOON walang laman ang puso at isipan ko kundi puro paghihiganti sa mga taong kumitil sa buhay ng aking mga magulang. Pero magmula ng makilala ko si Craig ay unti-unting napamahal siya sa akin. Dahan dahan ko rin inalis sa isipan ang salitang revenge dahil alam kong wala iyong magandang kahihinatnan. Sa ngayon ang tanging nais ko maging malaya kaming lahat. Mawala ang problema at makagalaw ayon sa aming kagustuhan. “Sweetheart, bakit gising ka pa ay midnight na?” yumakap sa akin si Craig, siguro naalimpungatan siya kung bakit hindi pa rin ako natutulog. “Matutulog na rin ako, goodnight, Craig.” at hinayaan ko na nakakap siya sa akin. Pero ng muli siyang makatulog ay lumayo ako ng konti dahil baka matamaan ko ang sugat niya. Hindi pa yon masyadong magalit at napwersa pa nitong